Thursday, March 10, 2011

Palaisipan


Nakakatawa.  Parang ayaw talaga mawala sa isip ko ang implikasyon ng aking nakaraang post, kaya hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya.  


Kung maaalala niyo, ang sinabi ko lang noon, pawang andami nang mga lalaki (online), na pawang di nag-iisip.  Sa aking pagmumuni-muni lalo, dumako ang aking pag-iisip sa isang napakamahalagang tanong: nasaan nga ba ang mga bading na disente at matatalino?


Naalala ko tuloy ang isang beses na ako'y nagchachat.  Sabi ng aking kausap, interesado lamang siya sa dalawang klase ng lalaki: ang may appeal, at ang matatalino.  Ang problema, madalas raw, ang mga may appeal eh saksakan naman ng babaw, at ang matatalino naman ay saksakan ang...sabihin na lang natin na, pangangailangan ng plastic surgery.  Ang yabang niya ano, hehe?  Sabagay, ilang taon ko na ring nakikita ang ad niya na di pa rin nagbabago.  Siguro nga, may point siya.  Or baka sadyang ilusyonada lamang.


Dahil si Google ang isa sa aking mga best friends, sinubukan kong alamin buhat sa kanya ang kasagutan sa aking tanong.  Ang mga sumusunod ang lumabas:


1 - Daing ng isang bading sa ibang bansa tungkol sa pakikipag-date sa mga lalaking "mababaw" at "walang modo" sa Ask Metafilter Forums: 


http://ask.metafilter.com/66373/I-dont-like-most-young-gay-guys-But-I-AM-one-of-them-Help


25 years old siya nung 2007, so ngayon malamang ay 29 na siya - halos magkasing-edad lang kami.


Nakakaaliw magbasa sa mga sumagot sa post niya.  May mga bading din na sumagot na ganun din ang reklamo.  May iba namang nagbigay ng magandang abiso tungkol sa paghahanap ng pwedeng magawa.  May mga iba, na siguro ka-wavelength ko (hehe), na nagbigay ng analysis, at nagsabing, siguro kahit straight man o bading ang isang 25 year old, ganun naman talaga ang kalalakihan.  


Isa sa mga pinaka-gusto kong sagot: "The early-mid 20's gay men I know seem more your style; they're graduate/medical students, and people involved in gay community/outreach activities. Think of what responsible smart young men are doing with their lives, and you'll find responsible smart gay young men doing those things."


Hello, Papa Illac?  Hehehe.  


2 - Isang Facebook fan page para sa mga matatalinong bading sa Pamantasan ng Pennsylvania:


http://www.facebook.com/group.php?gid=2215988595

Oo nga't 13 lang sila (Melrose Place syndrome?), pero natuwa pa rin ako sa kanilang paanyaya: "Sick of being told you're too smart to date? Wonder why the boy working at the gym finds you intimidating? Want someone to teach you something for a change? Start talking to other Penn men! We've been chosen to be here for a reason, so lets start meeting."


3 - Isang Yahoo! Question tungkol sa pagiging matalino ng mga bading:


http://answers.yahoo.com/question/index?qid=20100327150610AAnfzEW

Napaka-seryoso ng kanilang talakayan.  Pero ang nakuha ko rito, marami ngang matatalino sa atin.  Yung isang sumagot nagbigay pa ng website, yung www.gayheroes.com, para ipakita ang angking galing ng ating mga kabaro.  Sa makatuwid, di naman dapat kasi ang tanong kung may matalinong bading.  Ang tanong, may matalinong bading ba na pwede maging kasama sa buhay hanggang tumanda?


Nitong nakaraang linggo, nakasama ko ang isang kaibigan sa hapunan.  


Sabi ko sa kanya, "Minsan, ayoko nang umasang matalino ang magiging partner ko.  Kahit simpleng tao lang na may mabuting puso, solb na."  


Sagot niya, "Di mo rin kayang tiisin yan nang matagal.  Balang araw, mababato ka rin kung di talaga kayo magkasundo sa pag-iisip."


May point siya.  Kaya ngayon, pinag-iisipan ko nang mabuti yung point nung sumagot sa unang website.  Kung wala man ako makilala dun na makapareha sa buhay, sana naman, nakatulong naman ako sa kapus-palad.  At sana, tuloy-tuloy na ito.

4 comments:

  1. Sa akin lang, maraming klase ng matatalino.

    May magagaling sa math, magaling magsalita, magaling mag analayze, magaling umisip ng ideas and solutions, etc

    I have personally met a few of the smartest guys there is, two of which were chairmen of a professional organization and had been well educated here and abroad.

    I may not have the IQ level at least 5 notches near theirs.

    Believe it or not, they want someone simple. Someone who can they can relax with. Chill. Be themselves. Not this over achiever everybody expects them to be. Someone who "can" make mistakes, admits the things he doesn't know and would just laugh about it.

    My ex Mark is also one smart guy. Too bad, he used most of his smarts thinking I can't look beyond his words and facade.

    Personality and values are what's truly important.

    I got more people than I need if i just want to be challenged or entertained

    ReplyDelete
  2. I think ang point, Seth, ay kung saan kayo mas magtatagal. Kung pareho kayo ng wavelength, mas tatagal siguro kayo, kaysa kung di kayo pareho ng wavelength.

    Unfortunately, I think ang kailangan ko ay "thinking" man. Kahit gaano man siya kabait, kung di ko kaya sakyan ang mga hilig niya, at vice-versa, parang di talaga ito magwo-work.

    Then again, dun naman papasok ang pagiging open-minded ko. Halos lahat naman ng interests ng ibang tao, may "relate" ako eh. Hehehe.

    ReplyDelete
  3. This is my main requirement if ever I get to the active lover-searching mode. He can be more unappealing than I am or 1.5M less in net worth but this is something I'm not willing to compromise on. Say I hook up with someone with less smarts, chances are I'd just get bored and cheat with him (or whatever else more evil I could do).

    Having said that, I'd go for someone around my wavelength, give or take a couple of notches.

    Haha. Kupal na kung kupal.

    ReplyDelete
  4. Grey: You do mean cheat "on" him, right? :)

    I dunno, a thing can be said about cheating. I'd rather you not get together with him in the first place, than you play with his heart. Karma's a really big screaming bitch.

    ReplyDelete