Photo courtesy of http://www.shoemoney.com/wp-content/uploads/2009/12/dumbass.jpg
Pasintabi lang sa mga nagbabasa ng blog ko. Kailangan ko lang talaga maglabas ng sama ng loob. Hindi ito normal kong gawain, pero tao lang ako, at napupuno rin.
Minsan talaga, sumasakit na ang ulo ko sa mga taong nadadatnan ko online. Di ko lubos na maipaliwanag kung bakit maiisip ng iba na makakalusot sila sa mga ginagawa nilang katangahan.
Ang mas nakakainis pa, yung mga napatunayan mo na ngang tanga, ikaw pa ang iinsultuhin. Sa totoo lang, ayoko na talagang patulan. Nakakawala lang ng good vibes.
Kaya imbes na maghuramentado ako at may masabi pa akong masama sa kinauukulan, dito ko na lang sasabihin ang aking mga nararamdaman. Sabi nga nila, bato bato sa langit...
1 - Marunong ka ba magbasa at umintindi? Parang hindi eh. Sa susunod, wag ka nang paligoy-ligoy pa. Diretsuhin mo na para mas mabilis kitang mabara.
2 - Hijo, ang bata bata mo pa, pero para ka nang ulyanin. Paulit-ulit ba naman? Tsk, tsk.
3 - Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang assuming. Ate, kung may "insecurity" ka rin, wag mo ring ilabas sa akin ha?
4 - Ano ba talaga ang gusto mo mangyari? Pag umasta ka, parang sigurado ka sa sarili mo. Mag-isip ka nga nang mabuti. Kung ako, na di pa kita lubos na kilala, na-gets ko na ang gusto mo, bakit ikaw, di mo ma-gets sarili mo?
5 - Paano kita seseryosohin kung ganyan ka? Hindi dapat option ang pagiging seryoso. Kung seryoso ka, seryoso ka. Kung trip trip lang, trip trip lang. Wag na nating paguluhin pa.
Yun lamang po. Sana mawala na itong bad vibes na ito. Sana, mawala na sa paligid ko ang mga taong nakakadala. Sana, tuloy-tuloy na ang good vibes na ito.
P.S. Sa mga kapatid sa pananampalataya, ngayon ay Ash Wednesday. Kung maaari lamang, magnilay-nilay tayo. Araw din ito ng fasting at abstinence. Kung gusto pa natin, pwede rin tayo magpalagay ng abo. Pero wag naman upang ipangandalakan ang pagka-banal natin. Wag tayong ipokrito. :)
Meeting people online is not always the best way (especially chat) Papa Jay.
ReplyDeletePeople can be anything as they are anonymous online
For a while there, akala ko ang sabi mo ay "people can be annoying as they are anonymous online." Dun sana ako mag-aagree. Hehehe.
ReplyDeleteActually, wala akong problem sa kung sino sila basta wag lang sila tatanga-tanga. :)