Thursday, March 3, 2011

Ang Mga Nakatakas (aka The Ones Who Got Away)


Minsan, nakakagago rin ang tadhana.  Sa loob ng 6 na taon na ako'y naging single, marami na rin akong mga nakausap na mga kagaya ko rin.  Yung iba, naghahanap ng panandaliang aliw lamang.  Yung iba naman, mas pagmatagalan din ang hanap.  Yung iba rin, parang di sigurado kung ano talaga ang gusto.  Pero sa bawat 6 na taon na ito, laging may isa akong nakikilalang kasundo ko, at nakagawiang kausap.

Ang masaklap, walang tumagal sa mga yun.  Kung di ako nagpalit-palit ng sim card, o nawalan ng contacts, marahil, napakarami na akong number na nai-save sa phonebook ko.  Pero, hindi naman lahat sila ganun kaaya-aya alalahanin.  Sa pagkakataong ito, gusto ko lang ibahagi ang kwento namin nina C at J.

Si J nakilala ko nung unang dalawang taon ko pa lang ng pagiging single muli.  Nagkita kami sa mIRC.  Pareho kami ng school, so marami kami napag-uusapan.  May pagka-maangas si J dahil meron siyang mina-maintain na isang website na diumanoy sikat.  Di ko naman alam kung totoo ang sinasabi niya kasi di ko naman pinupuntahan ang website niya.  Ayon sa kanya, mataas na rin ang posisyon niya, at yun ay dahil nakapag-Masters siya abroad.  Medyo inggit ako sa kanya.  Mataas kasi tingin ko sa sarili nun, kaya parang di ko tanggap na magpapatalo ako sa kanya.  

Ang siste, ultra discreet pa si J noon.  So ang drama niya, gusto niyang siya lang tatawag sa akin.  Hinding hindi ako pwede tumawag sa kanya.  At ang pinangtatawag sa akin ay ang office line niya, kaya pag nagsubok ako mag-callback, trunkline ang nakukuha ko.  Sa sobrang inis ko, di ko na sinagot ang mga huli niyang mga tawag.  Sino ba siya para magdikta ng setup namin?  

Si C nakilala ko nung unang pakikipagsapalaran ko sa Craigslist, mga 2 taon na ang nakalipas.  SIya ang pangalawang sumagot sa ad ko.  Masarap kausap si C.  Pareho kami ng mga interes, at mahilig din siya maglakwatsa.  Kaso, nung una kami dapat magkita, naging malabo siya kausap.  At bigla siyang naglaho nang parang bula.  Nagparamdam siya muli ilang linggo ang nakalipas, at natuloy din ang aming date.  

Walang closure para sa akin ang nangyari sa amin ni C.  Lalong naging malabo nung namatay ang tatay niya.  Kahit coding ako nun, dumaan ako sa burol sa Sucat para sana mag-iwan ng masscard.  Dahil di siya sumasagot sa text, inatake ako ng matinding hiya, at nagpasya akong umuwi nang di man lang alam kung paano mag-commute.  Nag-abang ako ng taxi nang halos 2 oras para lang makauwi.  Pagkauwi ko, iniwan ko na lang ang masscard sa pigeonhole ng condo ng friend niya, kung saan siya nakikitira.  Maraming issue sa buhay si C, pero sa sobra kong pagkahumaling sa kanya, di ko na pinansin ang mga to.  Kung magbabaliktanaw ako, di ko na ito uulitin.

Si C naging FB friend ko.  Siya ang natatanging exception noon sa aking rule na bawal magkaroon ng FB friend na hindi kilala.  Sa ibayong lupain siya nagwork, at bihira lang din siya mag-online, at mag-update.

Nitong nakaraang pasko, nabigla na lang ako sa status update ni C.  Puro ka-sweetan.  At puro patungkol sa pagbiyahe nang may kasama.  At, may sumasagot sa mga post niya.  Dahil di kami nagkita ni J, ilang araw pa bago ko maalalang siya pala ang nakausap ko dati.  At mula noon, hanggang ngayon, ang FB profile pics nila ay ang picture nila pareho.  Marahil, naovercome na ni J ang kanyang pagiging ultra-disreet at out na out na siya.

Naging bitter ako nang sandali, at binlock ko ang profile ni C.  Sa pagbabaliktanaw ko ngayon, good move ito.  Simbolo na ito ng pag-move on ko.  Si J naman, nakikita ko sa iba't-ibang panig.  Photographer na rin siya, na isa kong frustration.  Na-feature pa siya dahil sa kanyang pagpapaganda ng katawan, na siya ko ring pinapangarap.  At higit sa lahat, nakuha niya ang taong noong isang panahon ay tinuring ko na pwedeng mahalin.  

Ngayong gabi, naisip ko kung paano kaya kung naging kami ni J.  Paano naman kung naging kami ni C?  Madali lang mag-isip ng maaaring sagot, pero di naman itong pwedeng mapatunayan pa.  Ang sigurado ako, at least sa ngayon, ang layunin ng tadhana ay paglapitin ang 2 taong dumaan na rin naman sa buhay ko.  Sana naman magtagal sila.  At kahit na sa maraming aspeto, pasok na pasok sila sa mga hinahanap ko sa isang kasama sa buhay, alam ko rin na sa maraming aspeto, di rin magiging madali na sila ang maging kasama ko sa buhay.  

Kaya, imbes na magmukmok ako sa pagiging single ko, iniisip ko na lang ang aking haharapin - ang nalalabing taon ng aking buhay kasama ang taong higit na mas lamang pa kina C at J.  Kung sila nga nakahanap ng taong para sa kanila, ako rin!  At sana, tuloy-tuloy na ang pagiging optimistic ko.  :) 

4 comments:

  1. Hmmm. Nice. Naunahan mo ako though. Ilang araw ko na iniisip ang ganitong topic. hehehe

    Lahat naman yata tayo may iisang tao na "the one that got away"

    ReplyDelete
  2. Optimistic and idealistic ka nga...
    mahihirapan ka nga nyan...
    we cannot have it all. Minsan we should also settle for the nxt best thing.

    Theunwritten

    ReplyDelete
  3. Seth - Alam mo naman sabi nila, "Great minds think alike and are the same birds!"

    TheUnwritten - Frankly, I don't it's fair for you to assert that based on what was written. I won't deny that I am trying to be optimistic. Idealistic? Not at all. I know what I want, including the non-negotiables, and the next best thing to my non-negotiables just won't make me happy. :)

    P.S. Bakit ba kasi kelangan maghanap? :)

    ReplyDelete
  4. i am speaking frm experience... minsan when u thought u finally found mr perfect, u realize that he is not ur mr right...

    we can not always have everything base from what we want...minsan we also give exemptions.

    Does that make sense?---theunwritten

    ReplyDelete