Monday, March 14, 2011

Ang Panagbenga. Bow.


Ayon sa Wikipedia, ang Panagbenga ay hango sa wikang Malayo-Polynesia, at ibig sabihin ay, kapanahunan ng pagsibol.  Sa madaling salita, ito ang taunang pagdiriwang sa lungsod ng Baguio kung saan naipapakita nila ang kagandahan ng mga bulaklak na matatagpuan doon, at upang ipagdiriwang ang kanilang natatanging kultura.

Gaya nang sinabi ko sa nauna kong post, sumugod ako mag-isa sa Baguio dahil gusto ko masilayan itong pagdiriwang na ito.  Makulay ang Panagbenga.  At di hamak na napakaraming tao!  Sabi sa akin ni Doc, kung kanino ako nakituloy, mas marami talaga ang dayo pagsapit ng Panagbenga.  Eh makitid lamang ang ibang kalye sa Baguio.  Sobra sobra tuloy ang trapik.


Naabutan ko ang Street Dance Parade, kung saan, iba-ibang paaralan (yata), ay nagpapakitang gilas sa mga katutubong sayaw.


Itong lalaking to na siguro ang pinaka-napansin ko sa buong Street Dance Parade.



Nung ikalawang araw naman, nagagandahang mga float ang makikita sa Grand Float Parade, na pinalamutian ng mga samu't-saring mga bulaklak.  Nandoon ang float ng TV5, lulan si Papa JC De Vera.


At siyempre lang, ang pinaka-wagi sa lahat.   Sa isang float, lulan ang 2 anghel.  Yung isa, di ko masyado nakita kasi malayo siya.  Pero itong isa, takaw-pansin talaga.  Sigaw ng katabi kong babae nung mga panahong ito, "Ang gwapo!"  Di ko lang alam kung artista siya.

Hanggang dito lamang ang aking pagbabahagi ng mga litrato.  Sa susunod, siguro naman, hindi ko na aabuting halos isang buwan bago ko i-post ang mga picture sa blog.  Hehehe.  At sana, tuloy-tuloy na ang mga biyahe ko. :)


1 comment: