Saturday, March 5, 2011

Ang Panata

Photo adapted from Celibacy Icons courtesy of http://mirroronamerica.blogspot.com/2007/04/single-and-celibate.html

Minsan, mahirap magsalita ng tapos.  Mahirap mangako, mahirap pumanata.  Pero yun na nga siguro ang saysay ng buhay ng isang tao: ang mangibabaw sa mga balakid.

Sinimulan ko na rin ito nung buwan ng Pebrero.  At dahil isang buwan na ang nakalipas, maaari ko na rin siguro itong ilahad, kahit na "online" lamang.  Ako po ay magliliban sa pakikipagtalik. <Kaboom!>

Marahil, may mga tanong kayo.  Bakit, eh ang sarap sarap kaya?  Hanggang kelan ka naman magiging ganyan eh tigang ka na nga?  Paano pag dumating na ang isang lalaki, at gusto niya na mag-do kayo?

Bakit?  Oo nga, masarap siya.  Hindi naman ako ipokrito.  Kaya rin siguro mahirap siya gawin, at kaya rin siguro ako na-eganyong magpursigi.  Umabot na rin kasi ako sa point na nandidiri na ako sa sarili ko.  Hindi naman siguro ganun karami ang mga lalaking naikama ko.  Pero kahit na.  Sabi ko nga sa iba kong nakausap, ayokong umabot sa point na nakasiping ko na ang kalahati ng Metro Manila bago ko mahanap ang aking tadhana.

Hanggang kelan?  Subukan ko hanggang 6 na buwan.  Try lang.  Alam kong kaya ko pa ng mas matagal.  Pero unconscious naman yun eh.  Ito, conscious celibacy.  Bakit 6 na buwan?  Wala lang.  Random number lang.  

Paano pag dumating na ang isang lalaki sa buhay ko?  Ieexplain ko sa kanya.  Hanggang full on foreplay lang ang kaya ko.  Sa ibang salita, hanggang second base lang, kung aabot man dun.  Oo, sakit sa puso lang ang aabutin namin.  Pero naniniwala akong, kung di niya kayang tiisin yun, di siya ang hinahanap ko.  Move on na lang ulit ang drama ko.  Wala namang mawawala sa akin eh.

Ayan.  So good luck sa akin.  Marahil, magkakaroon ako ng posts sa hinaharap tungkol sa mga pagkakataong malapit na, o di kaya's tuluyan ko nang di natupad ang panatang ito.  Pero natutuwa naman ako at nanindigan pa rin ako.  Kahit papaano.  So, paano ba.  Sana, tuloy-tuloy na ito.

1 comment: