Minsan talaga, may mga banta na di dapat binabalewala.
Nakakadismaya lang na ang mga taong diumano'y matino at naghahanap ng kapwa matino ay di rin naman pala ganun kinalaunan. Ngunit, di ko nilalahat.
Nitong nakaraang mga linggo, nakakapanghina man isipin, 5 na yatang ganitong klaseng nilalang ang aking nakausap. Pawang matitino naman sila sa unang pag-uusap. Pero, habang tumatagal, kahit pigilan ko man ang sarili ko, di ko maiwasang hindi mailang.
Sa unang tatlo, siguro nga, bunsad na rin ng kalungkutan kaya sila naging kailang-ilang. Ang hindi ko lang matanggap, parang napaka-passive agressive (di ko maisalin sa Tagalog ang salitang ito) nila.
Yung huling 2 naman pinagkaisahan pa ako. Alam naman nilang malihim ako. Pero pinilit talaga ang gusto. At hihiritan pa ako na pawang ang dating ay stalker. Ang masaklap, nahuli mo na nga't lahat, di pa hihingi ng paumanhin sa yo. Ako pa raw ang may kasalanan dahil masyado ko pinalaki ang isyu. Eh kung tinanong niyo sa akin bago kayo nagstalk eh di sana walang isyu. Tsk.
Kaya minarapat ko na lang na magpahinga muna dun sa medium na iyon at baka mas lalo pa akong mapikon sa mga katarantaduhan nila. Kaya pala kahit na "matitino" sila eh hindi nila nahahanap ang isa't isa.
Sana lang, maisip nila kung bakit naging mali ang kanilang mga ginagawa para lumigaya na rin naman sila sa piling ng ibang tao.
--------------------------------------------------
O siya, sana ito na ang huli kong nega post. Di pa ako nakakagawa ng post tungkol sa nagdudulot sa akin ng kasiyahan nitong nakaraang linggo. At sana talaga, tuloy-tuloy na itong saya. :)
No comments:
Post a Comment