Thursday, March 31, 2011

Parang Ikaw

Live performance of Someone Like You by Adele at the 2011 Brit Awards courtesy of Youtube.

Emo mode yata ako ngayon.  Or baka dahil sa sobrang galing lang nga pagkanta ni Adele na pumukaw sa damdamin ko.  Wala pa naman ako maisip na pag-alayan ng kantang ito, pero naiisip ko na maaaring mangyari nga ito sa totoong buhay.  Ang masasabi ko lang, sana di ko maranasan ang naranasan niya sa kantang ito.  

Iba ang tama sa akin ng "Sometimes it lasts in love.  And sometimes, it hurts instead."  Haay.

Someone Like You
Adele

I heard
That you’re settled down
That you
Found a girl
And you're
Married now

I heard
That your dreams came true
I guess she gave you things
I didn’t give to you

Oh friend
Why you so shy
Ain’t like you to hold back
Or hide from the light

I hate to turn up out of the blue uninvited
But I couldn’t stay away I couldn’t fight it
I hoped you’d see my face and be reminded
That for me
It isn’t over

Nevermind
I’ll find someone like you
I wish nothing but the best
For you too
Don’t forget me
I beg
I’ll remember you still
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead
Yeah

You know how the time flies
Only yesterday
It was the time of our lives
We were born and bred

In a summer haze
Bound by the surprise
Of our glory days

I hate to turn up out of the blue uninvited
But I couldn’t stay away I couldn’t fight it
I hoped you’d see my face and be reminded
That for me
It isn’t over

Nevermind
I’ll find someone like you
I wish nothing but the best
For you too
Don’t forget me
I beg
I’ll remember you still
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead

Nothing compares
No worries or cares
Regrets and mistakes
And memories made
Who would have known
How bittersweet
This would taste

Nevermind
I’ll find someone like you
I wish nothing but the best
For you too
Don’t forget me
I beg
I’ll remember you still
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead

Nevermind
I’ll find someone like you
I wish nothing but the best
For you too
Don’t forget me
I beg
I’ll remember you still
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead
Sometimes it lasts in love
But sometimes it hurts instead

Wednesday, March 30, 2011

Dalampasigan


Beach na beach na beach na ako.


Saan ba maganda pumunta?  Kahit weekend trip lang.  This weekend na kaya?

Saturday, March 26, 2011

Kumunoy


Paikot-ikot
Paulit-ulit
Laging Matamlay

Binubuhay
Pinasisigla
Ang tila patay

Sumusuko
Nahuhulog
Bumaon lalo

Sumisigaw
Napipipi
Naghihingalo

Buntong-hininga
Pikit mata
Hanap ng lakas

Nananatili
Naghihintay
Nang makatakas

Thursday, March 24, 2011

Dismayado


Minsan talaga, may mga banta na di dapat binabalewala.

Nakakadismaya lang na ang mga taong diumano'y matino at naghahanap ng kapwa matino ay di rin naman pala ganun kinalaunan.  Ngunit, di ko nilalahat.

Nitong nakaraang mga linggo, nakakapanghina man isipin, 5 na yatang ganitong klaseng nilalang ang aking nakausap.  Pawang matitino naman sila sa unang pag-uusap.  Pero, habang tumatagal, kahit pigilan ko man ang sarili ko, di ko maiwasang hindi mailang.

Sa unang tatlo, siguro nga, bunsad na rin ng kalungkutan kaya sila naging kailang-ilang.  Ang hindi ko lang matanggap, parang napaka-passive agressive (di ko maisalin sa Tagalog ang salitang ito) nila. 

Yung huling 2 naman pinagkaisahan pa ako.  Alam naman nilang malihim ako.  Pero pinilit talaga ang gusto.  At hihiritan pa ako na pawang ang dating ay stalker.  Ang masaklap, nahuli mo na nga't lahat, di pa hihingi ng paumanhin sa yo.  Ako pa raw ang may kasalanan dahil masyado ko pinalaki ang isyu.  Eh kung tinanong niyo sa akin bago kayo nagstalk eh di sana walang isyu.  Tsk.

Kaya minarapat ko na lang na magpahinga muna dun sa medium na iyon at baka mas lalo pa akong mapikon sa mga katarantaduhan nila.  Kaya pala kahit na "matitino" sila eh hindi nila nahahanap ang isa't isa.

Sana lang, maisip nila kung bakit naging mali ang kanilang mga ginagawa para lumigaya na rin naman sila sa piling ng ibang tao.  

--------------------------------------------------

O siya, sana ito na ang huli kong nega post.  Di pa ako nakakagawa ng post tungkol sa nagdudulot sa akin ng kasiyahan nitong nakaraang linggo.  At sana talaga, tuloy-tuloy na itong saya.  :)


Monday, March 21, 2011

Kandila


Di na ko nagugulat 
Kung ba't maraming tanong
Ang hindi nasasabat.

Alaala at saya.
Mga nakaraan na
Di na mabubuhay pa.

Tuwing magugunita,
Sana matandaan pa
Ang aral nitong sumpa.

Monday, March 14, 2011

Ang Panagbenga. Bow.


Ayon sa Wikipedia, ang Panagbenga ay hango sa wikang Malayo-Polynesia, at ibig sabihin ay, kapanahunan ng pagsibol.  Sa madaling salita, ito ang taunang pagdiriwang sa lungsod ng Baguio kung saan naipapakita nila ang kagandahan ng mga bulaklak na matatagpuan doon, at upang ipagdiriwang ang kanilang natatanging kultura.

Gaya nang sinabi ko sa nauna kong post, sumugod ako mag-isa sa Baguio dahil gusto ko masilayan itong pagdiriwang na ito.  Makulay ang Panagbenga.  At di hamak na napakaraming tao!  Sabi sa akin ni Doc, kung kanino ako nakituloy, mas marami talaga ang dayo pagsapit ng Panagbenga.  Eh makitid lamang ang ibang kalye sa Baguio.  Sobra sobra tuloy ang trapik.


Naabutan ko ang Street Dance Parade, kung saan, iba-ibang paaralan (yata), ay nagpapakitang gilas sa mga katutubong sayaw.


Itong lalaking to na siguro ang pinaka-napansin ko sa buong Street Dance Parade.



Nung ikalawang araw naman, nagagandahang mga float ang makikita sa Grand Float Parade, na pinalamutian ng mga samu't-saring mga bulaklak.  Nandoon ang float ng TV5, lulan si Papa JC De Vera.


At siyempre lang, ang pinaka-wagi sa lahat.   Sa isang float, lulan ang 2 anghel.  Yung isa, di ko masyado nakita kasi malayo siya.  Pero itong isa, takaw-pansin talaga.  Sigaw ng katabi kong babae nung mga panahong ito, "Ang gwapo!"  Di ko lang alam kung artista siya.

Hanggang dito lamang ang aking pagbabahagi ng mga litrato.  Sa susunod, siguro naman, hindi ko na aabuting halos isang buwan bago ko i-post ang mga picture sa blog.  Hehehe.  At sana, tuloy-tuloy na ang mga biyahe ko. :)


Asul




Mahilig ako sa kulay asul.  Nagsimula ito noong ako'y nagkamalay na, at ito ang kulay ng karamihan sa mga damit ko.


Natutuwa ako pag nakakakita ako ng dagat na kulay asul.  Malalim at misteryoso.  Puno ng mga bagay na maaaring mapanganib, pero maaari ring makakapukaw ng damdamin.


Nabubuhayan ako ng loob pag nakikita ko na bughaw ang langit.  Pag tumitingin ako sa itaas, sumasayaw ang diwa ko.  Ang sarap pa kumuha ng litrato.  Nakakapanggigil.


Ngunit ang asul ay kulay din ng kalungkutan at pighati.  Kulay din ng kawalan ng hininga, pati.


Ang kwarto ko ay kulay berde.  Ang suot ko ay kulay kahel.  Pero nakapalibot sa akin ang kulay asul.


Sana, paggising ko, kaya ko nang hubarin to.

Sunday, March 13, 2011

Ang Paglalakbay - Unang Bahagi


Music Video of Rocketeer by Far East Movement featuring Ryan Tedder courtesy of Youtube.

Nung una kong inisip tong blog na ito, sinabi ko na ito na rin ang gagawin kong parang travel blog ko, tutal marami naman akong pinupuntahan.  Pero sa loob ng 10 post, isang beses lang pumasok ang paglalakbay sa mga post ko.  

Ngayong gabi, muling nabuhay ang aking pagnanais na maglakbay.  Hindi ko maipagkakaila na may kinalaman ang isang taong kakakilala ko pa lang sa panibagong siglang ito.  Pero, masyado pang maaga para magsalita nang tapos.  Ang alam ko lang, gaya ko, pinanganak din siyang may nunal sa paa - kaya't mahilig din siya bumiyahe.  At dahil doon, ako ay natutuwa nang lubos.

Sa ngayon, inaalay ko ang kantang ito para sa anumang naghihintay sa akin.  Sana, nga, may makasama na rin ako sa paglalakbay ko sa buhay.  At sana nga, tuloy tuloy na ito. :) 

Here we go, come with me 
There's a world out there that we should see 
Take my hand, close your eyes 
With you right here, I'm a rocketeer 

Let's fly 
Up, up here we go 
Up, up here we go 
Let's fly 
Up, up here we go, go 
Where we stop nobody knows, knows 

Where we go we don't need roads, roads 
Where we stop nobody knows, knows 
To the stars if you really want it 
Got, got a jetpack with your name on it 
Above the clouds in the atmosphere, phere 
Just say the words and we outta here, outta here 
Hold my hand if you feeling scared, scared 
We flying up, up outta here 

Here we go, come with me 
There's a world out there that we should see 
Take my hand, close your eyes 
With you right here, I'm a rocketeer, 

Let's fly 
Up, up here we go, go 
Up, up here we go, go 
Let's fly 
Up, up here we go, go, 
Where we stop nobody knows, knows 

Baby, we can stay fly like a G6 
Shop the streets of Tokyo, get you fly kicks 

Girl you always on my mind, got my head up in the sky 
And I'm never looking down feeling priceless, yeah 
Where we at, only few have known 
Go on the next level, Super Mario 
I hope this works out, Cardio 
Til' then let's fly, Geronimo 

Here we go, come with me 
There's a world out there that we should see 
Take my hand, close your eyes 
With you right here, I'm a rocketeer 

Nah, I never been in space before 
But I never seen a face like yours 
You make me feel like I could touch the planets 
You want the moon, girl watch me grab it 
See I ain't never seen the stars this close 
You got me struck by the way you glow 
I'm like, oh, oh, oh, oh 
I'm like, oh, oh, oh, oh 

Here we go, come with me 
There's a world out there that we should see 
Take my hand, close your eyes 
With you right here, I'm a rocketeer 

Let's fly 
Up, up here we go, go 
Up, up here we go, go 
Let's fly 
Up, up here we go, go 
Where we stop nobody knows, knows, knows

Saturday, March 12, 2011

Multo


Marso pa lang, pero parang Halloween na ang nasa isip ko ngayon.  Ewan ko ba.

Hindi ako madaling matakot.  Mahilig pa nga ako manood ng mga horror movies eh.  Madaling magulat, oo.  Pero, awa ng Diyos, di naman ako tumitili.  Lalaking lalaki pa rin ako kung magulat.  Hehehe.  

Kaya, nakakagulat din na yung huli kong pinatulog dito sa unit ko (yes, nakaraan na ito) ay bigla na lang nagtanong kung may third eye ako. 

Sabi ko wala.

May nakita yata kasi siya.  Ewan ko kung naniniwala ako sa kanya.  Matagal na rin naman ako dito.  Mag-isa lang naman ako.  Wala naman ako nararamdaman.  Sumang-ayon naman siya na baka nga dalaw lang yun buhat sa aking mga kapitbahay.  

Kebs.  

--------------------------------------------------

Kaya ako napa-blog ngayon ay dahil sa may nakita akong nag-online sa YM contacts ko.  Matagal ko na rin siyang di nakausap.  Lampas 2 taon na.  Yun ay dahil nung huli ko tinext ang number niya, nakatanggap ako ng text galing sa gf niya na naaksidente siya, at binawian ng buhay.

Kaya, laking gulat ko ng biglang nag-online ang YM ID niya ngayong gabi.  Naka-DND nga lang.  Pero may status message.  Swimming.  Wow, multong lumalangoy.

Matagal ko na rin naman naisip na pineke ako nung text na yun eh.  Ayaw na yata akong kausap.  Kaya, minack ko na lang sa YM: "Maligayang pagdating mula sa kabilang buhay, bro.  Mabuhay!"

Sabay log-out siya.

--------------------------------------------------

Siguro mabuti na rin at nalaman kong ligtas siya.  Nung nalaman ko kasi na may nangyari sa kanya, di ako makakibo.  6 na buwan din naman kami nag-usap nun.  Noong una, buong akala namin pareho, pareho kami ng gusto.  Pero habang tumatagal, naisip ko na parang straight ang phone pal ko.  Sumangayon na rin siya.  At dahil dito, hinikayat ko pa siyang makipagbalikan dun sa ex-gf niya.  Naging sila rin naman.

Isang beses, nasabi lang niya na naaala raw niya yung ex best friend niya sa akin.  Natuwa ako noon.  Matagal na rin kasi akong walang best friend.

Kaya napakalaking kawalan siya nung nawala siya.  Pagkatapos ko matanggap sa sarili ko na di ko na siya makakausap, ginamit ko ang aking "stalking" skills.  Ang pakay ko nun, mabisita man lang siya.  Mag-alay ng konting bagay sa kanyang alaala.  Oo.  Drama na kung drama.  Pero puro dead-end lang ang nahanap ko.  At doon tuloy ako nakapag-isip na napeke ako.

Masakit pala ang di mo alam kung ano ang pinaglalamayan mo - yung pagkakaibigang nawala, o yung pagkamatay niya.

Mula noon, wala na akong naging best friend.

--------------------------------------------------

Ang tagal ko makaisip kung paano ko tatapusin ang post na ito.  Masyado na kasi siyang naging seryoso.  Hehe.

Siguro lang, ang gusto ko lang sabihin, maraming masasamang bagay na hindi natin kayang ipaliwanag.  Bakit hindi tumutuloy ang connection?  Bakit bigla na lang tayo iniiwan sa ere?  Bakit ang hirap makahanap ng kausap?  

Gayunpaman, marami rin namang magagandang bagay na hindi rin kayang ipaliwananag.  Bakit umaasa pa rin tayo?  Bakit napaka-makapangyarihan ng pag-ibig?  Bakit nakakaya pa rin natin na maging malakas?

Marahil, maiintindihan rin natin yan balang araw.  Sa ngayon, ang mahalaga ay maging masaya tayo, at gawin nating masaya ang mga taong nasa buhay natin ngayon.  Wag nating hayaan na makahanap sila ng pagkakataon na makawala.  Hehehe.  At sana nga, tuloy-tuloy na ang pagsasamang ito.

Thursday, March 10, 2011

Palaisipan


Nakakatawa.  Parang ayaw talaga mawala sa isip ko ang implikasyon ng aking nakaraang post, kaya hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya.  


Kung maaalala niyo, ang sinabi ko lang noon, pawang andami nang mga lalaki (online), na pawang di nag-iisip.  Sa aking pagmumuni-muni lalo, dumako ang aking pag-iisip sa isang napakamahalagang tanong: nasaan nga ba ang mga bading na disente at matatalino?


Naalala ko tuloy ang isang beses na ako'y nagchachat.  Sabi ng aking kausap, interesado lamang siya sa dalawang klase ng lalaki: ang may appeal, at ang matatalino.  Ang problema, madalas raw, ang mga may appeal eh saksakan naman ng babaw, at ang matatalino naman ay saksakan ang...sabihin na lang natin na, pangangailangan ng plastic surgery.  Ang yabang niya ano, hehe?  Sabagay, ilang taon ko na ring nakikita ang ad niya na di pa rin nagbabago.  Siguro nga, may point siya.  Or baka sadyang ilusyonada lamang.


Dahil si Google ang isa sa aking mga best friends, sinubukan kong alamin buhat sa kanya ang kasagutan sa aking tanong.  Ang mga sumusunod ang lumabas:


1 - Daing ng isang bading sa ibang bansa tungkol sa pakikipag-date sa mga lalaking "mababaw" at "walang modo" sa Ask Metafilter Forums: 


http://ask.metafilter.com/66373/I-dont-like-most-young-gay-guys-But-I-AM-one-of-them-Help


25 years old siya nung 2007, so ngayon malamang ay 29 na siya - halos magkasing-edad lang kami.


Nakakaaliw magbasa sa mga sumagot sa post niya.  May mga bading din na sumagot na ganun din ang reklamo.  May iba namang nagbigay ng magandang abiso tungkol sa paghahanap ng pwedeng magawa.  May mga iba, na siguro ka-wavelength ko (hehe), na nagbigay ng analysis, at nagsabing, siguro kahit straight man o bading ang isang 25 year old, ganun naman talaga ang kalalakihan.  


Isa sa mga pinaka-gusto kong sagot: "The early-mid 20's gay men I know seem more your style; they're graduate/medical students, and people involved in gay community/outreach activities. Think of what responsible smart young men are doing with their lives, and you'll find responsible smart gay young men doing those things."


Hello, Papa Illac?  Hehehe.  


2 - Isang Facebook fan page para sa mga matatalinong bading sa Pamantasan ng Pennsylvania:


http://www.facebook.com/group.php?gid=2215988595

Oo nga't 13 lang sila (Melrose Place syndrome?), pero natuwa pa rin ako sa kanilang paanyaya: "Sick of being told you're too smart to date? Wonder why the boy working at the gym finds you intimidating? Want someone to teach you something for a change? Start talking to other Penn men! We've been chosen to be here for a reason, so lets start meeting."


3 - Isang Yahoo! Question tungkol sa pagiging matalino ng mga bading:


http://answers.yahoo.com/question/index?qid=20100327150610AAnfzEW

Napaka-seryoso ng kanilang talakayan.  Pero ang nakuha ko rito, marami ngang matatalino sa atin.  Yung isang sumagot nagbigay pa ng website, yung www.gayheroes.com, para ipakita ang angking galing ng ating mga kabaro.  Sa makatuwid, di naman dapat kasi ang tanong kung may matalinong bading.  Ang tanong, may matalinong bading ba na pwede maging kasama sa buhay hanggang tumanda?


Nitong nakaraang linggo, nakasama ko ang isang kaibigan sa hapunan.  


Sabi ko sa kanya, "Minsan, ayoko nang umasang matalino ang magiging partner ko.  Kahit simpleng tao lang na may mabuting puso, solb na."  


Sagot niya, "Di mo rin kayang tiisin yan nang matagal.  Balang araw, mababato ka rin kung di talaga kayo magkasundo sa pag-iisip."


May point siya.  Kaya ngayon, pinag-iisipan ko nang mabuti yung point nung sumagot sa unang website.  Kung wala man ako makilala dun na makapareha sa buhay, sana naman, nakatulong naman ako sa kapus-palad.  At sana, tuloy-tuloy na ito.

Wednesday, March 9, 2011

Insulto


Pasintabi lang sa mga nagbabasa ng blog ko.  Kailangan ko lang talaga maglabas ng sama ng loob.  Hindi ito normal kong gawain, pero tao lang ako, at napupuno rin.

Minsan talaga, sumasakit na ang ulo ko sa mga taong nadadatnan ko online.  Di ko lubos na maipaliwanag kung bakit maiisip ng iba na makakalusot sila sa mga ginagawa nilang katangahan.

Ang mas nakakainis pa, yung mga napatunayan mo na ngang tanga, ikaw pa ang iinsultuhin. Sa totoo lang, ayoko na talagang patulan.  Nakakawala lang ng good vibes. 

Kaya imbes na maghuramentado ako at may masabi pa akong masama sa kinauukulan, dito ko na lang sasabihin ang aking mga nararamdaman.  Sabi nga nila, bato bato sa langit...

1 - Marunong ka ba magbasa at umintindi?  Parang hindi eh.  Sa susunod, wag ka nang paligoy-ligoy pa.  Diretsuhin mo na para mas mabilis kitang mabara.

2 - Hijo, ang bata bata mo pa, pero para ka nang ulyanin.  Paulit-ulit ba naman?  Tsk, tsk. 

3 - Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang assuming.  Ate, kung may "insecurity" ka rin, wag mo ring ilabas sa akin ha?

4 - Ano ba talaga ang gusto mo mangyari?  Pag umasta ka, parang sigurado ka sa sarili mo.  Mag-isip ka nga nang mabuti.  Kung ako, na di pa kita lubos na kilala, na-gets ko na ang gusto mo, bakit ikaw, di mo ma-gets sarili mo?

5 - Paano kita seseryosohin kung ganyan ka?  Hindi dapat option ang pagiging seryoso.  Kung seryoso ka, seryoso ka.  Kung trip trip lang, trip trip lang.  Wag na nating paguluhin pa.

Yun lamang po.  Sana mawala na itong bad vibes na ito.  Sana, mawala na sa paligid ko ang mga taong nakakadala.  Sana, tuloy-tuloy na ang good vibes na ito.

P.S.  Sa mga kapatid sa pananampalataya, ngayon ay Ash Wednesday.  Kung maaari lamang, magnilay-nilay tayo.  Araw din ito ng fasting at abstinence.  Kung gusto pa natin, pwede rin tayo magpalagay ng abo.  Pero wag naman upang ipangandalakan ang pagka-banal natin.  Wag tayong ipokrito. :)

Saturday, March 5, 2011

Ang Panata

Photo adapted from Celibacy Icons courtesy of http://mirroronamerica.blogspot.com/2007/04/single-and-celibate.html

Minsan, mahirap magsalita ng tapos.  Mahirap mangako, mahirap pumanata.  Pero yun na nga siguro ang saysay ng buhay ng isang tao: ang mangibabaw sa mga balakid.

Sinimulan ko na rin ito nung buwan ng Pebrero.  At dahil isang buwan na ang nakalipas, maaari ko na rin siguro itong ilahad, kahit na "online" lamang.  Ako po ay magliliban sa pakikipagtalik. <Kaboom!>

Marahil, may mga tanong kayo.  Bakit, eh ang sarap sarap kaya?  Hanggang kelan ka naman magiging ganyan eh tigang ka na nga?  Paano pag dumating na ang isang lalaki, at gusto niya na mag-do kayo?

Bakit?  Oo nga, masarap siya.  Hindi naman ako ipokrito.  Kaya rin siguro mahirap siya gawin, at kaya rin siguro ako na-eganyong magpursigi.  Umabot na rin kasi ako sa point na nandidiri na ako sa sarili ko.  Hindi naman siguro ganun karami ang mga lalaking naikama ko.  Pero kahit na.  Sabi ko nga sa iba kong nakausap, ayokong umabot sa point na nakasiping ko na ang kalahati ng Metro Manila bago ko mahanap ang aking tadhana.

Hanggang kelan?  Subukan ko hanggang 6 na buwan.  Try lang.  Alam kong kaya ko pa ng mas matagal.  Pero unconscious naman yun eh.  Ito, conscious celibacy.  Bakit 6 na buwan?  Wala lang.  Random number lang.  

Paano pag dumating na ang isang lalaki sa buhay ko?  Ieexplain ko sa kanya.  Hanggang full on foreplay lang ang kaya ko.  Sa ibang salita, hanggang second base lang, kung aabot man dun.  Oo, sakit sa puso lang ang aabutin namin.  Pero naniniwala akong, kung di niya kayang tiisin yun, di siya ang hinahanap ko.  Move on na lang ulit ang drama ko.  Wala namang mawawala sa akin eh.

Ayan.  So good luck sa akin.  Marahil, magkakaroon ako ng posts sa hinaharap tungkol sa mga pagkakataong malapit na, o di kaya's tuluyan ko nang di natupad ang panatang ito.  Pero natutuwa naman ako at nanindigan pa rin ako.  Kahit papaano.  So, paano ba.  Sana, tuloy-tuloy na ito.

Thursday, March 3, 2011

Ang Mga Nakatakas (aka The Ones Who Got Away)


Minsan, nakakagago rin ang tadhana.  Sa loob ng 6 na taon na ako'y naging single, marami na rin akong mga nakausap na mga kagaya ko rin.  Yung iba, naghahanap ng panandaliang aliw lamang.  Yung iba naman, mas pagmatagalan din ang hanap.  Yung iba rin, parang di sigurado kung ano talaga ang gusto.  Pero sa bawat 6 na taon na ito, laging may isa akong nakikilalang kasundo ko, at nakagawiang kausap.

Ang masaklap, walang tumagal sa mga yun.  Kung di ako nagpalit-palit ng sim card, o nawalan ng contacts, marahil, napakarami na akong number na nai-save sa phonebook ko.  Pero, hindi naman lahat sila ganun kaaya-aya alalahanin.  Sa pagkakataong ito, gusto ko lang ibahagi ang kwento namin nina C at J.

Si J nakilala ko nung unang dalawang taon ko pa lang ng pagiging single muli.  Nagkita kami sa mIRC.  Pareho kami ng school, so marami kami napag-uusapan.  May pagka-maangas si J dahil meron siyang mina-maintain na isang website na diumanoy sikat.  Di ko naman alam kung totoo ang sinasabi niya kasi di ko naman pinupuntahan ang website niya.  Ayon sa kanya, mataas na rin ang posisyon niya, at yun ay dahil nakapag-Masters siya abroad.  Medyo inggit ako sa kanya.  Mataas kasi tingin ko sa sarili nun, kaya parang di ko tanggap na magpapatalo ako sa kanya.  

Ang siste, ultra discreet pa si J noon.  So ang drama niya, gusto niyang siya lang tatawag sa akin.  Hinding hindi ako pwede tumawag sa kanya.  At ang pinangtatawag sa akin ay ang office line niya, kaya pag nagsubok ako mag-callback, trunkline ang nakukuha ko.  Sa sobrang inis ko, di ko na sinagot ang mga huli niyang mga tawag.  Sino ba siya para magdikta ng setup namin?  

Si C nakilala ko nung unang pakikipagsapalaran ko sa Craigslist, mga 2 taon na ang nakalipas.  SIya ang pangalawang sumagot sa ad ko.  Masarap kausap si C.  Pareho kami ng mga interes, at mahilig din siya maglakwatsa.  Kaso, nung una kami dapat magkita, naging malabo siya kausap.  At bigla siyang naglaho nang parang bula.  Nagparamdam siya muli ilang linggo ang nakalipas, at natuloy din ang aming date.  

Walang closure para sa akin ang nangyari sa amin ni C.  Lalong naging malabo nung namatay ang tatay niya.  Kahit coding ako nun, dumaan ako sa burol sa Sucat para sana mag-iwan ng masscard.  Dahil di siya sumasagot sa text, inatake ako ng matinding hiya, at nagpasya akong umuwi nang di man lang alam kung paano mag-commute.  Nag-abang ako ng taxi nang halos 2 oras para lang makauwi.  Pagkauwi ko, iniwan ko na lang ang masscard sa pigeonhole ng condo ng friend niya, kung saan siya nakikitira.  Maraming issue sa buhay si C, pero sa sobra kong pagkahumaling sa kanya, di ko na pinansin ang mga to.  Kung magbabaliktanaw ako, di ko na ito uulitin.

Si C naging FB friend ko.  Siya ang natatanging exception noon sa aking rule na bawal magkaroon ng FB friend na hindi kilala.  Sa ibayong lupain siya nagwork, at bihira lang din siya mag-online, at mag-update.

Nitong nakaraang pasko, nabigla na lang ako sa status update ni C.  Puro ka-sweetan.  At puro patungkol sa pagbiyahe nang may kasama.  At, may sumasagot sa mga post niya.  Dahil di kami nagkita ni J, ilang araw pa bago ko maalalang siya pala ang nakausap ko dati.  At mula noon, hanggang ngayon, ang FB profile pics nila ay ang picture nila pareho.  Marahil, naovercome na ni J ang kanyang pagiging ultra-disreet at out na out na siya.

Naging bitter ako nang sandali, at binlock ko ang profile ni C.  Sa pagbabaliktanaw ko ngayon, good move ito.  Simbolo na ito ng pag-move on ko.  Si J naman, nakikita ko sa iba't-ibang panig.  Photographer na rin siya, na isa kong frustration.  Na-feature pa siya dahil sa kanyang pagpapaganda ng katawan, na siya ko ring pinapangarap.  At higit sa lahat, nakuha niya ang taong noong isang panahon ay tinuring ko na pwedeng mahalin.  

Ngayong gabi, naisip ko kung paano kaya kung naging kami ni J.  Paano naman kung naging kami ni C?  Madali lang mag-isip ng maaaring sagot, pero di naman itong pwedeng mapatunayan pa.  Ang sigurado ako, at least sa ngayon, ang layunin ng tadhana ay paglapitin ang 2 taong dumaan na rin naman sa buhay ko.  Sana naman magtagal sila.  At kahit na sa maraming aspeto, pasok na pasok sila sa mga hinahanap ko sa isang kasama sa buhay, alam ko rin na sa maraming aspeto, di rin magiging madali na sila ang maging kasama ko sa buhay.  

Kaya, imbes na magmukmok ako sa pagiging single ko, iniisip ko na lang ang aking haharapin - ang nalalabing taon ng aking buhay kasama ang taong higit na mas lamang pa kina C at J.  Kung sila nga nakahanap ng taong para sa kanila, ako rin!  At sana, tuloy-tuloy na ang pagiging optimistic ko.  :) 

Tunog sa Daan

Music video of S&M by Rihanna courtesy of Youtube

Ala-1:00 ng madaling araw.  Kakatapos ko lang magligpit.  Sa taong ito, ito na ang pang-5 beses ko na magligpit.  Dapat siguro sanay na ko mag-impake ng gamit.  Ang problema ko lang lagi ay ang aking kawalan ng maliit na bag.  Meron akong mga duffel bag na may gulong, pero wala pa rin akong backpack.  Siguro maaagapan na rin yan sa lalong madaling panahon.

Sumakay ako sa kotse.  Binuksan ang makina at in-on ang radyo.  Ahh.  Ang sarap ng pakiramdam.

Ako yung tipong taong mahilig magmaneho.  Marami akong kilalang nabubuwisit sa pag-drive.  Ako, solb ako.  Di ako magpapaka-plastik at sasabihin kong nakakabwisit naman talaga ang mga singit ng singit, o yung mga di sumusunod sa tamang lane, o di kaya ang mga mababagal na tsuper, pero kung tanggalin ko ang mga ito, suma-total, masaya pa rin ako sa pagddrive.  

Marahil ito ay dahil lumilinaw ang pag-iisip ko tuwing ako'y nasa likod ng manibela.  Nakatingin lang ako sa daan.  Ang iniisip ko lang ay ang mga tatatahakin kong daan patungo sa destinasyon ko, at kung nag-eenjoy ba ako sa pinapakinggan ko.  Oo, mahalaga sa akin ang musika tuwing road trip.

Sa kasamaang palad, nauna nga ako magkaroon ng iPod sa karamihan, di ko naman ito lubusang ginagamit.  Palibhasa, maka-radyo ako.  Matagal na rin akong di bumibili ng CD.  Download na lang (ssshhh!).  Dati, naging habit ko ang pagpunta sa isang record shop sa Makati tuwing sabado ng gabi upang pagmasdan ang manager nun na isang banyaga.  Hahaha.  Parang timang lang.  Siyempre, bibili ako ng CD, di kaya ng VCD/DVD.  Bonus na lang ang masulyapan ang crush ko.

Dahil matagal-tagal itong biyaheng di ko naman talaga binalak, minabuti kong magbaon ng CD's.  Bago.  Kakabili ko lang nung gabi ding yun.  Sa makatuwid, matagal ko nang pinagbabalakan ang pagbili ng mga CD's na ito.  Kaya pagbaba ko ng parking, deretso ako sa record shop, kinuha ang CD's, nagbayad, at bumalik sa parking.  Sa sobrang bilis nitong mga pangyayari, di ko kinailangang magbayad ng parking.  Wagi!

Marahil nagtatanong kayo kung ano ang mga binili kong CD.  Ito'y walang iba kundi ang "Loud" ni Rihanna, at ang "Greatest Hits...so far" ni Pink.  Oo.  Parehong babae.  Ganap na yata talaga akong bading.  Hehehe.

Habang binabaybay ko ang kahabaan ng NLEX, nakikinig ako sa radyo.  Pagdating sa SCTEX, isinalang ko si Rihanna.  Sa sobrang enjoy ko, at pinaulit-ulit ko pa ang S&M ni Rihanna, di ko namalayang 20 minutes lang eh nasa Tarlac City exit na ako (Sshhh ulit!).  Sa kahabaan naman ng MacArthur highway, pinapakinggan ko si Pink at ang kanyang "So What" habang nag-oovertake sa mga nag-puprusisyong trak.  Personal record ko na nang makarating ako sa Baguio sa loob lamang ng 5 oras.  Partida, wala pa ako tulog niyan, at may gas stops at wiwi breaks pa.

Siguro nga, mahilig lang talaga ako magmaneho dahil napipigilan nito ang aking utak na mag-isip.  Nakakapagod din naman kasi na ang sarili mong boses ang napapakinggan mo.  Buti na lang at may mga "kasama" ako paakyat.  Salamat kay Pink, kay Rihanna, pati na rin sa mga DJ, callers, at recording artists na patugtog ng aking mga preset stations, di ko lubusang naisip na ako'y nag-iisa.  At sana, tuloy-tuloy na ito.