Tuesday, June 21, 2011

Bumabagyong Baguio

Hindi ko talaga maisip kung paano nangyayaring napapadalas ang aking pag-akyat ng Baguio.  Ngayong taon pa lang, nakaka-tatlong beses na ako.  At marahil, hindi ito ang huling pagkakataon na aakyat ako ngayong taon.  


Bakit ko naisipang umakyat?  Siguro, ito'y dala na rin ng pagkawala ng holiday ko dahil sa isang bagay sa trabaho.  Ang tagal tagal nang walang long weekend, tapos di pa ako makakalakwatsa!  Kaya, habang nag-uusap kami ng isang kaibigan ko tungkol sa pag-aalmusal, nabuo ang naturang plano.  Buti naman at kaladkarin si kaibigan.  Hindi pa kasi siya nakakaakyat ng Baguio, at dahil nga, wala akong holiday kinabukasan, balikan lang (oo na, ambisyoso ako).


Para naman hindi masayang ang pagkakataon, nagyaya ako ng ilang blogger para sumama.  Yung isa, marahil kilala niyo na kung sino dahil nauna pa siyang mag-post sa akin.  Hehehe.


At dahil nga, travel blog naman dapat ito, ito ang aking mga napala sa pagkakataong ito:


Tinatanaw ng ulo ng leon (Lion's Head) ang mga ulap sa Baguio.


Mongolian Barbecue-all-you-can sa O Mai Khan.  Score!


Di raw siya tatagal (at hindi nga talaga tumagal) 
Nawawalang Sementeryo ng Pagka-Nega (Negativity?  Wahahaha!), Kampo John Hay

Sisihin mo raw siya - Nawawalang Sementeryo ng Pagka-Nega, Kampo John Hay


Maligayang pagdating sa Bahay Bell, Kampo John Hay


Ang Teatro Bell (Bell Amphitheater), Kampo John Hay


Tsokolate sa Choco-Late' de Batirol, Kampo John Hay

Ang Bahay Mansion (Mansion House) ng Presidente ng Pilipinas


Liwasang Wright


Ina ng Pagsisisi (Our Lady of Atonement), Katedral ng Baguio

Natuwa naman ako at medyo nakakabisa ko na ang mga pasikot-sikot sa Baguio.  Napantayan ko rin pati, ang pinakamabilis kong pag-akyat at pagbaba sa Baguio.  Partida, bumabagyo pa ng mga panahong ito, at ang kapal ng ulap dala na rin ng ulan.  Ngayon, tinatamasa ko na naman ang mga nabili ko sa Kumbento ng Good Shepherd.  Salamat na rin sa aking mga kasama.  Sa uulitin! 

5 comments:

  1. oh! ikaw pala yung kasama nya! LOL!

    ReplyDelete
  2. Ah... Mansion House pala yun. Akala ko Manor. (not paying attention) LOL!

    ReplyDelete
  3. Some trips are better unplanned... natutuloy. That's what I always experience. It's nice that you spent a long weekend, that is rare nowadays, traveling.

    ReplyDelete
  4. nice one papa jay! Im glad these trips made you busy at times. Ako naman hirap na hirap aliwin ang sarili. :( enjoy while it lasts. TC.

    ReplyDelete