Monday, May 23, 2011

Wish Ko Lang


Kalaban ko talaga ang pag-iisip. 

Kanina, maraming mga senaryo ang pumasok na naman sa isip ko.  Ito ay ang mga sumusunod:

1 - Paano kaya kung naging "straight tripper" ako?  May nabasa kasi ako sa isang forum na isang napaka-madamdaming pagdedepensa para sa mga kauri niya.  

"Why identify/label yourself as gay/bi if you don't get emotionally attracted to guys? If you don't believe in genuine same sex relationship? If you don't sleep with guys as frequently.

Kanya-kanyang opinyon naman yan so kung sa tingin nyo hypocrite or in denial yung mga tripper I respect that.

But admit the fact, there are guys out there who would sleep with a guy once in a blue moon. Say thrice a year. Kasi no offence I think bi/gay is a lifetime choice. It's a lifestyle. And a lot of people, especially youngsters made a mistake of identifying themselves as bi/gay kahit hindi naman. It's pre-mature.

So kaming mga trippers we believe na stage lang to it will pass. We will end up loving and marrying a woman in the end."

Himayin natin.  


Emotionally attracted ba ako sa guys?  Check.  
Naniniwala ba ako sa genuine same sex relationship?  Umm, sa panahon ngayon?  No. 
Ganun ba ako kadalas makipagsiping sa kapwa lalaki?  Hahaha.  No!


2 out of 3.  Pwedeng pwede na ako maging straight tripper.  Pak!


Sige, naiinggit ako dahil sa sinabi niya sa huli.  "We will end up loving and marrying a woman in the end."  Feeling ko, napaka-naive ng mga katagang ito, pero tingin ko rin naman, marami ang kagaya niya.  Yung isasantabi lang ang tawag ng laman, at babae pa rin ang pipiliin.  Sa ngayon kasi, di ko talaga kayang piliin ang babae.  Kahit pilitin ko man ang sarili ko.  


Naiisip ko na ito ay buhat na rin ng pagpapalaki sa akin.  Which brings me to number 2.


2 - Paano kaya kung "sex" lang ang habol ko?


Naisip ko na rin dati, "bad" boys have all the fun.  Alam nila ang gusto nila, at nakukuha nila ang gusto nila.  Walang cognitive dissonance.  


For one, sigurado, mas patok ang blog ko.  Pak!


Kaso, hindi talaga eh.  Mabilis ako mapagod sa ganun.  Maghahanap ako ng mas malalim na relasyon.  At, higit sa lahat, hindi talaga siya kakayanin ng konsiyensiya ko.  Oo, may konsiyensiya pa ako.  At kahit ilang beses pa ako makipagtalik, hinding hindi siguro mawawala yun.


3 - Paano kaya kung di na lang ako nag-iisip?


Siguro, di ko na iisipin kung bakit turn off sa akin ang mga taong hindi nag-iisip.  Siguro, okay lang sa akin ang mga mababaw at superficial na tao.  Siguro, kahit sino na lang na interesado, pinatulan ko na (basta pasado siya sa physical standards ko).  Siguro, imbes na humahaba ang panahon na single ako, eh dumarami naman ang mga lalaking nakarelasyon ko.


Pero, naisip ko rin, siguro, di ganito kasagana (Naks!  Masagana!) ang buhay ko.  Hindi rin ako makakaipon ng pwede ko panggastos sa sarili ko, sa mga luho ko, at pati na sa pagtulong sa kapwa.  


Minsan, wala nga naman talagang patutunguhan ang mga naiisip ko.  Pero, minsan, mahalaga din isipin kung bakit ko pinili ang mga pinili ko sa buhay.  Sa gayon, panatag ako na naging tama nga ang mga naging desisyon ko.


At sana, tuloy-tuloy na nga ito.

12 comments:

  1. Trippers, kahit na sex lang yun, i'd still call them gay. E kung ung mga taong malamya lang kumilos kung batuhin nila ng mga salitang "bading" "bakla" "shokla" "fag" "fruity" nang walang konsiderasyon sa emosyonal na aspeto ng kanilang pagkatao...So why do they get an excuse to be spared from the same label kung sila mismo ang may HOMOsexual activities?

    SO no rationale shall spare a "tripper" to be call a homosexual. The fact that he decided to act on those homosexual urges gives enough validity of his homosexuality. Maski pumapatol pa siya sa babae at the same time. DI mapapagkailang homosexual rin sya.

    ung dahilan nila na sex lang naman un at "once in a blue moon lang"...well, siguro dahil mas madali sa kanilang makapagparaos sa kapwa lalaki, since magkalevel sila ng libido. Yun lang ang nakikita kong valid reason ng mga "tripper" na ito kung bakit sila nakikipag"trip" sa kapwa lalaki. Di naman talaga sila takam sa laman ng kapwa lalaki. Hindi naman siguro, ano? Sadyang malibog sila, nakakahanap sila ng kapwa malibog nila, namamahagi lang sila ng libog at laman, kaya lang sila nantitrip. Oonga, hindi sila bading. Sadyang malibog lang, ano? Siguro nga ano?

    (sila rin ung di na binibigyan ng masyadong pag-iisip ang mga bagay na to.)

    ReplyDelete
  2. Viktor: Puso mo. :)

    Jepoy: Pak talaga! Hehehe.

    ReplyDelete
  3. 1. I kinda get mister straight tripper guy. Who are we to question how they define their sexuality? Yun nga ang ayaw din nating mangyari sa atin. Siguro gusto lang din natin ng kakampi, tulad nga sa comment mo sakin dati. Challenging maging bading, kaya damay-damay na.

    2. I have an entire entry about this. Haha.

    3. Sasabihin ko dapat na kung kelangan mo pa mag-isip para mapanatag, ibig sabihin eh duda ka talaga. Pero yun nga yata ang point mo. Sino ba naman ang hindi nangangailangan ng reassurance paminsan-minsan? Ayos lang yan.

    ReplyDelete
  4. Nishi:

    1 - Gusto mo ba ng kakampi kahit na wala ka sa tamang pag-iisip? Pak. Pero ayoko na siyang husgahan. Maaaring in denial si kuya. O hindi. Buhay niya yan.

    2 - Onga. Naiiinggit ako sa hindi pagkaroon ng dissonance eh. Natututunan ba yun?

    3 - Hindi, mahilig talaga ako mag-isip at mag-second guess ng sarili ko. Pero, sa aking karanasan, lagi namang tama ang mga gut feel ko sa mga bagay-bagay. :)

    ReplyDelete
  5. Puso ko bato. Haha!
    Wala akong pinaghuhugutan dito no. Just making a point. Walang tripper sa paningin ko. SAdyang malilibog lamang.

    ReplyDelete
  6. Malapit na kong maging isa sa ganito. hehehe

    Thanks pala sa comment sa entry ko. Malaking bagay yun.

    ReplyDelete
  7. DH: Alin diyan? Yung pagiging "tripper"? Wahahaha.

    ReplyDelete
  8. Happy ako kung ano ako ngaun!! Acceptance lang naman yun eh..

    ung mga tripper gusto din naman nila ng boys.. pede naman girls diba??

    ReplyDelete
  9. nice post Juan! :-)

    well, in my opinion, those insisting that they're just trippers are basically "homosexuals in perennial denial." And a person in denial may not even be aware na "in denial" sya.

    So I guess, it makes sense how defensive they are of themselves or offensive towards their "more gay" brothers.

    Or... they know they are really homosexual, but they are just scared or they just dread the "gay" label. so they do away with calling themselves a "more acceptable" alternative label -trippers, curious, etc.. which they think still retains a certain degree of heterosexuality, thus mas maganda sa pandinig. :-)

    Dont you guys agree?

    ReplyDelete
  10. sorry guys, medyo hirap akong mag-express ng mga thoughtsko in tagalog. awkward ang delivery, right Juan? hehehe. Not a native tagalog speaker kasi...

    ReplyDelete
  11. Shawn - I agree 100%. Too bad they won't agree with us (they being, the subjects of this topic).

    And feel free to post in Tagalog and/or English. Maybe even in our native tongue. ;)

    ReplyDelete