Photo courtesy of search.creativecommons.org
Mayroong 72 na contacts ang ID ko sa ngayon. Marahil, marami pang iba akong nakasalamuha sa YM. Pero di naman kasi talaga pala-gamit ng YM kaya medyo mababa pa ang bilang na yan.
Naisipan ko lang kanina na maglinis ng contacts. Pinost ko ito sa aking YM status, at nagsimula. Inisa-isa ko ang mga contacts ko. Ang tanging batayan ko ay, kung nakakausap ko ba ito, o inaasahang kakausapin pa.
Ang resulta? 26 na contacts ang natira.
Buhat na rin ng aking pag-announce, maraming nag-message sa akin kung sila ba ay napasama sa aking paglilinis. Nakakatawa lang kasi, hindi nga sila kasama dun. Natuwa naman ako kahit papaano, kasi nagpakita sila ng concern na di na nila makakausap. Akalain mo nga namang may ganun pala.
No comments:
Post a Comment