Photo courtesy of http://www.topnews.in/files/ph-flag_4.jpg
Oo, alam kong sa susunod pa na buwan ang Araw ng Kalayaan natin. Pero iba lang kasi ang aking nararamdaman sa mga nakaraang mga linggo kaya ang pakiramdam ko, para na rin akong naging malaya. O natanggal sa pagka-bilanggo.
Dati kasi, mabigat na pasanin ko ang paghahanap ng lalaki. Lalaking mamahalin syempre, at di yung basta basta lalaki lang. Hehehe. Ngunit, habang tumatagal, nakaramdam ako ng iba't-ibang pahiwatig na, marahil, di nga ito ang tamang panahon para diyan.
Naalala ko na, masarap nga pala ang buhay single. Pwede ako lumuwas nang kahit anong oras. Pumunta sa kahit saan ko gustong pumunta. Kaya ayun, kung saan-saan ako napapadpad nitong mga nakaraang linggo.
Pwede ako kumain ng kahit ano, at kung kailan ko gusto. Pwede ako makipag-usap sa kahit kanino. Pwede ako magtrabaho para maayos ang career ko, nang walang kailangan pagpaalamanan.
Pwedeng maging makalat ang aking unit. Pwede akong maging spontaneous sa mga lakad. Pwede akong manood ng sine sa oras na gusto ko.
Hindi ako agrabyado pag hindi ako nakakatanggap ng text o tawag. Pag may hindi ako nakikita o nakakausap. Pag hindi kami sang-ayon sa mga gusto namin.
Higit sa lahat, tipid ako. Mapag-iipunan ko ang mga gusto kong bilhin at gastusin. HIndi ko na iisipin ang susunod na date, at kung magkano ang gagastusin sa date (dahil sadyang galante ako. Hehehe.)
At, ang napansin ko lang, di na ako bitter-bitteran. Totoong masaya ako. Tama nga ang lagi kong binibigay na payo. Di ko kailangan ng lalaki para maging masaya.
Sa makatuwid, matagal ko na ring binabalak ang post na ito. Di ko lang maisulat nang maigi ang aking saloobin. Ngunit, sa nag-iisang gabing nanumbalik ang kalungkutan sa akin, napaalala lang sa akin kung bakit masarap pala itong pinili kong buhay.
At sana nga'y, tuloy-tuloy na ito.
Sigurado ka na ba dyan Papa Jay? 'Pag nagbago isip mo andito lang ako...hinihintay ka...
ReplyDelete.
.
na ayain ako mag-date. Galante ka pala! Hahaha
.
.
Seriously, I'm feeling the same way. Wala na masyadong bitterness. At least, less issue. Sana nga tuloy-tuloy na yan ;D
Pak! May ganyan ka pang comment ha? Hehehe. Ano na nangyari dun sa kalandian mo sa Santacruzan? Kaw talaga.
ReplyDeleteDi naman ako totally closed sa idea ng pakikipag-relasyon eh. Pero di na ako magpapakatanga sa paghahanap. ;)
Nagsisisi na tuloy ako na nagblog ako about it. Mukhang na turn-off ang mga boys..haha
ReplyDelete.
.
Pero tama ka. 'Wag magpakatanga sa paghahanap ;D
balang araw, magagawa ko din yan. haha. serial dater pa din ako hanggang ngayon.
ReplyDeletewhatever gives you peace papa jay.. go there... but its always nice having someone around kahit alam mo na nabubwiset ka sa kanya... kase alam mo mahal mo sya...:D
ReplyDelete