Thursday, April 7, 2011

Para sa Parating

Photo courtesy of search.creativecommons.org

Maiba tayo.  Marami nang nagsabi na baguhin ko raw ang aking pananaw.  Wari ko, wala naman mawawala sa akin pag ginawa ko ito.  Ang post na ito ay isang liham para sa taong parating sa buhay ko.  Sana pag nabasa mo ito, matuwa ka.  Okay lang kahit na pagtawanan mo ako.  Pero higit sa  lahat, sana, maramdaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin.  

Tinitingnan kita habang mahimbing ang tulog mo.  Magkayakap tayo nang mahigpit.  Humihilik ka, pero di naman malakas.  Natatawa pa nga ako kasi malamang, pag sinabi ko sa yo to mamaya, mahihiya ka.  Kaya baka di ko na lang sasabihin.

Sabi nila dati, masarap daw matulog sa kama ko.  Sana ganun din ang nararamdaman mo ngayon.

Napapaisip ako.  Ang tagal tagal mong dumating sa buhay ko.  Matagal din bago tayo dumating sa ganito.  Andami ko nang "close calls."  Malamang ikaw din.  Pero sa gabing ito, di ko na yun masyado iniisip.  Ang sarap lang isipin na, kailangan ko yun pagdaanan lahat para umabot tayo dito.

Gumalaw ka ng bahagya.  Inayos ko ang kumot sa katawan mo.  Hinalikan kita sa noo.  Umungol ka nang kaunti.  HInigpitan ko ang yakap ko sa yo.

Dati, akala ko, mas masarap matulog pag may katabi.  Di ko akalain na, magpupuyat pala ako.  Parang nakakapanghinayang kasi matulog.  Sayang ang oras para makapiling ka.

Oo, matutulog na rin ako sandali.  Wag ka mag-alala.  Sinigurado ko lang na maayos at mahimbing ang tulog mo.  

Nagdasal ako sumandali.  Dasal na sana, walang masamang mangyari habang tayo'y natutulog.  Dasal na sana, kung ano man to, ito'y magtatagal hanggang maaari.  Dasal na rin ng pasasalamat sa pagkakataong makilala ka.

Pipikit na ko.  Hinalikan kita sa pisngi.  Hinigpitan ulit ang yakap sa yo.  Ang sarap ng pakiramdam ko.  Sana palagi tayong ganito.

Kitakits na lang sa panaginip ko.

2 comments:

  1. awts... hugs papa jay.. hope u find that "elusive" one. :)

    ReplyDelete
  2. sa aking
    pagkahimlay

    sa iyong
    malambot na unan

    samyo ko
    ang iyong halina

    at aking nakaraa'y
    wari nabubura

    hindi na mahalaga
    kung paano tayo'y nagkita

    sa wari ko ika'y
    sakin itinakda

    ikaw ang sagot
    sa bawa't tanong na dumarating

    liwanag sa mundo
    kong walang ningning

    hinayaan mo ako
    sa iyong unan

    hinayaang matulog,
    hinayaang mahimbing

    wag kang mag alala
    sa ating kinabukasan

    sapagkat pag-ibig ko'y
    ikaw lamang ang aangkin.

    *****************
    wrote this during my college days for our school paper. Funny how this poem coincides with your post. Although, I don't believe in destiny.


    :-p

    ReplyDelete