Saturday, April 9, 2011

Magdiriwang Tayo

Photo courtesy of search.creativecommons.org

Dapat masaya ako ngayon.  Natapos na rin ang ilang buwang kalbaryo ko sa proyektong inasa sa aming pangkat.  Natapos ko rin ang mahigit isang linggong paghahalili sa mga kasama ko sa team (kahit na simula kanina, ako naman ang hahalili sa boss ko hanggang sa susunod na linggo).  At, higit sa lahat, nalaman ko kanina na na may matatanggap akong award.

Nung nalaman ko ito, ang una ko naisipang sabihan ang nanay ko.  Dati naman, mahilig sila makatanggap ng mga ganitong balita.  Ang unang sagot sa text ko ay, "Ah, so may ganun ka na naman?  Pang-ilan na ito?"  Nung sinagot ko pa lang saka ako nakatanggap ng text na, "Congratulations!  Libre mo kami ha?"

Parang ang tuyo ng dating sa akin ng pagbating ito.  Pakiramdam ko tuloy, di talaga sila lubusang natuwa (oo nga't natuwa pa rin kahit papaano) sa nangyari.

--------------------------------------------------

Matagal na akong may isyu sa mga magulang ko tungkol dito.  High school pa lang ako nung una ko ito naramdaman.  At may nagawa na sila dati na kinapikunan ko talaga.  Pero ayoko mag-drama ngayon.  Dapat masaya ako.

Dapat.

Pero napaisip din ako eh.  Sa pagkakataong ito, wala man lang akong ibang nasabihan.  Hindi ko pinagsasabi ito sa mga kaibigan ko.  Marami kasi sa kanila mga kasama ko sa opis, at ayaw kong magkaroon ng inggitan pag nagkataon.  At muli kong naalala na wala pala akong kaibigan na maasahan sa mga ganitong pagkakataon.  Shet.  Drama ulit.  

Erase, erase.

--------------------------------------------------

Kaya, mamarapatin ko na lang na magbahagi ng biyayang ito sa mga kapuspalad.  Siguro naman, mas mabibigyan nila ng halaga ang aking pagtulong.  

Noong bata-bata pa ako, meron na akong mga sinalihang mga grupo na tumutulong sa iba't ibang pangkat.  Susubukan kong manumbalik doon.  Pero mas mainam din kung may iba naman akong matulungan sa pagkakataong ito.

Sa mga iilang nagbabasa ng blog ko, meron ba kayong alam?

7 comments:

  1. Grats, Jay. I'm assuming this is a monetary award, yes? Me personally, I'd give it to some deserving kid (you know the studious, indigent type). Perhaps someone you or your friends know? Or sa kin na lang :D

    ReplyDelete
  2. Grey - So, are you saying you're a studious indigent deserving kid? :)

    ReplyDelete
  3. This list may help you: http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_charities_in_the_Philippines

    ReplyDelete
  4. ako indigent kid. :P studious din pala.

    Why don't you visit World Vision. help a kid get a good education :)

    ReplyDelete
  5. V: Kelangan mo ba ng financial assistance? Wahahaha! Baka ipang-date mo lang yung ibibigay ko.

    ReplyDelete