Saturday, April 16, 2011

Panliliit

Photo courtesy of search.creativecommons.org

Sabi nga nila, maliit daw ang mundo natin.  Ang di ko akalain, napakaliit pa pala lalo ng mundo ng mga PLU.

Nitong nakaraang Sabado, hinatak ko ang isa kong bagong kilala para bumiyahe.  Siya ay taken na.  Wag kayo mag-alala, mga tagasubaybay ng blog ko, dahil ako'y takot sa karma.  Hahaha!  Siguro mga isang buwan na rin kami magkakilala nito.  At nakakatuwa lang dahil laging masarap ang kwentuhan pag kami nagkakasama.

Habang paakyat ng Tagtaytay, napunta ang usapan sa mga tao sa aming nakaraan.  At doon ko nalaman, na pareho pala naming kilala ang isang couple na ngayon.  Ang masaya pa, ang mga sanga-sangang kilala ng couple na ito, ay kilala rin namin pareho.

Sa sobrang gulo ng mga kaganapan, sinikap ko na gumawa ng diagram para ipaliwanag ang aming pagkaka-buholbuhol.

Papa Jay -- nag-uusap dati ni -- Person A  --  naging date ni    -- Bagong Kaibigan
                                                     |
                                         jowa na ngayon ni
                                                     |
Papa Jay  --  naging date ni   -- Person B  --   naging date ni    -- Bagong Kaibigan
                                                     |
                                            naging date ni
                                                     |
Papa Jay  --  naging date ni  --  Person C  -- nag-uusap dati ni -- Bagong Kaibigan

May ipapa-date pa sana siya sa akin.  Habang dinedescribe niya ang taong yun sa akin, nanlamig ako lalo kasi may naiisip ako na taong saktong sakto sa mga sinasabi niya.  Nung binigay ko na ang detalye tungkol sa taong alam ko, natawa na lang siya dahil tama nga ako.  Di lang yun, matalik pa pala silang magkaibigan.

Ngunit, hindi ito ang unang beses na naganap ito sa akin ngayong taon.  Naalala ko lang, nung pumunta akong Laguna, may common acquaintance din kami nung kasama ko.  Sa katanuyan, nagpaparamdam nga daw yun sa kanya, pero para sa kanya, magkaibigan lang talaga sila.

At siyempre, ang nagbabagang pagkakaalaman namin ni Seth na ang best friend niya ay na-date ko na rin dati.

Nung naka-recover na ako, natakot ako sandali, kasi pumasok sa isip ko na paulit-ulit na lang yata ang mga tao sa mga ginagalawan ko.  Pero, naisip ko rin na, kung ang bago kong kaibigan ay ngayon ko pa lang din naman nakilala, may pag-asa at pagkakataon pa rin akong makakilala ng ibang tao.  

At, sana, sana lang ha, wala siyang kinalaman sa mga nakaraan ko.

8 comments:

  1. i guess we're truly all connected by six degrees of separation. contradictory.=) malay mo we know each other n pala. halalala!

    ReplyDelete
  2. Rising Mark: Hmm. I don't know anybody who writes like you. But then again, I don't ask for people's literary compositions when I meet up with them. :)

    ReplyDelete
  3. na-excite naman ako papa jay at baka may koneksyon din tau, hehe.
    .
    .
    seriously, this post is very interesting. napa-isip ako ;D

    ReplyDelete
  4. Desole Boy: Actually, nung una, akala ko, kilala nga kita dahil may hawig yung iba mong pics sa isa kong friend. Pero, mukhang di naman pala. Hahaha! Pero, malay nga natin?

    Sing with me now, "It's a small world after all..."

    ReplyDelete
  5. Naku. Ang kaso lang Papa Jay di ka raw niya matandaan?

    Well he's not much of a best friend these past couple of months kasi we seldom meet or talk na lang.

    I would just assume he's doing fine with his life ^^

    ReplyDelete
  6. Seth: Aba, ganun pala ako ka-forgettable? Wahahaha!

    ReplyDelete
  7. ako baka kilala mo. i have pictures in my blog. =P

    naloka na din ako dati sa konek-konek na yan. although college naman yun, so mas likely ang konek-konek. yan sayo eh lebel kung lebel.

    ReplyDelete
  8. isang beses pa lang naman nangyayari sa kin to...
    i got to know two different guys who turned out to be magka-"barkada". Clan yata. safe to say na both guys were not potentials, so walang romantic involvement, less drama and less complication.Well, supposedly less complication.

    Turned out, ung isa liar, ung isa naman stalker. Both creeped me out kasi nabanggit nung liar na binanggit daw ako ng stalker sa harap ng buong barkada nila, in a mocking tone. There was conflict between the two at ako ang nasa gitna. They're both weirdos, so I just brushed them off, at lumayo.

    ReplyDelete