Photo courtesy of ManilaTumblr.com: http://manila.tumblr.com/post/400727531/kilometer-zero
Grabe, napa-blog na naman ako. Siguro, pang-ilang attempt ko na rin ito sa pagsusulat ng isang blog. Sa lahat ng mga yun, ang Friendster blog ko pa rin ang pinakasumikat. Pero antagal tagal ko nang di bumabalik dun. Uso na kasi Facebook.
Ang pagkakaiba lang siguro ngayon, naisip ko na magsulat sa Tagalog. At naisip ko rin na, ayokong gawing "uber-philosophical" (pasensiya, di ko alam kung paano isalin sa Tagalog yan) ang aking mga pinagsusulat. Pero di ko rin siguro maiiwasan yan. Sadya talaga akong mahilig mag-isip. Marahil, nainggit lang ako sa mga pakikipagsapalaran ng aking online friend na si Seth, at naisip ko kung gaano ko na namimiss ang pagsusulat.
Ang tema ng aking blog? Siguro, isa itong paglalakbay. Sana tuloy-tuloy na ito. Sana wala nang paligoy-ligoy pa.
--------------------------------------------------
Nag-uninstall ako ng mIRC kanina. Di ito ang unang beses na ginawa ko ito. Noon, at ngayon, naisip ko na takaw oras lang naman ang pagchachat. Sa halip na nakakagawa ako ng makabuluhang bagay, inuubos ko na lang tuloy oras ko sa chat.
Pero nitong mga nakaraang mga buwan, nagbago ang ihip ng hangin. Palagi na lang ako online. Halos araw araw. Siguro kasi, may mga nakakausap na ko dun nang madalas. Mga makukulit na becky. Ang sarap kaharutan. Wala kasi akong mga becky friends kaya naghanap ng kakaunting koneksyon ang kaluluwa ko.
At yun na, gabi-gabi ganun na nga ang drama. Nakikisawsaw na ako sa buhay ng may buhay. Siguro nga, dahil wala naman akong buhay kaya naghahanap ako ng buhay. Nagsilbi akong "sounding board," "matchmaker" o di kaya'y "love doctor." Pero sa dami ng mga na-meet ko na okay, marami din namang sadyang makulit. At dahil nga gusto ko ng continuity sa aking mga kausap, napipilitan tuloy ako magpalit ng nick.
Sa nakaraang mga buwan, naka-3 na akong palit ng nick. At tuwing nagpapalit ako ng nick, nagpaparamdam ako sa mga gusto ko kausap at nagpapakilala. Pero di ako nag-a-uninstall ng mIRC. Hanggang ngayon.
Bakit ako nag-uninstall ngayon? Kasi na-realize ko na wala rin namang patutunguhan ang pag-o-online ko. Alam kong di ko trip pumunta sa mga GEB GEB na yan. Alam kong wala naman akong gusto i-meet sa mga yan. Ang mas mahirap pa ngayon, marami masyadong drama na kasi mas matagal ko na sila kausap. Meron din naman kasi akong dalang drama, ayoko na magdala nang mas mabigat pa.
Kaya goodbye mIRC. Parang ang sarap sabihin ng mga katagang ito. Sabi nga ng kausap ko, "if you want to meet nice people, go to nice places." ;) Sana nga, tuloy-tuloy na ito.
--------------------------------------------------
May date pala ako mamayang gabi. Hahaha. Adik lang no? Actually, di ko talaga binalak na magka-date. Pero sa sobrang aliw niya kausap, naisip ko na ayain siya. Ang masaya, pumayag naman siya! Yey! So sana nga, tuloy-tuloy na rin ito. :)
Weeeee !!!!!!!!!!!
ReplyDelete"if you want to meet nice people, go to nice places." - akin galing ito bakit ayaw mo pa akong pangalanan na friends tayu? LOL
Goodluck sa date ^^
Hay naku Seth. Alam mo na by now kung ano ang nangyari. Di ako makapaniwalang ganun lang pala yun. Aaargh. Gusto ko magwala!
ReplyDelete