Photo courtesy of Astrologiantaika: http://astrologiantaika.files.wordpress.com/2010/07/peeling_onions.jpg
Sa tuwing nagchachat ako dati, naaalala ko yung pinaka-ayaw kong mga tanong: ASL? Stats? Pic?
Sa tatlong yan, mas tanggap ko pa siguro ang ASL. Mas malamang na makakasundo mo ang kalapit mo lang ng edad. Ang S naman ay medyo redundant. Kung babae yan, kahit "bi" kuno ang kausap mo, malamang di na kakausapin yan. Yung location naman ay para sa mga taong naghahanap ng sense of convenience. Kumbaga, pag mas malapit, mas okay kasi solb sa pamasahe. O kung mas malayo, mas okay, para maiwasan ang mga kakilala.
Dumako naman tayo sa stats. Di ko nga maisip sino nakaimbento nito eh. Hango kaya ito sa vital statistics? Kung ganun, di ko alam ang chest at hip measurements ko, so malamang di ko mabibigay. Pero, generally, ang sagot dito ay height, weight, body build. Minsan, may complexion pa. Ako ay isa sa mga taong partikular sa height, pero hindi sa body build. Pero minsan, pinapalampas ko rin naman ang may koneksyon sa akin.
Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pic. Siguro lumaki kasi ako sa panahon kung kelan di pa uso ang hingian ng pic sa chat. Pero naniniwala din kasi ako na para masabing tunay akong discreet, di ko pinapamayagpag ang aking pic. Lalo na sa kung kani-kanino lang. At lalo na sa taong di naman magiging parte ng buhay ko pagkatapos ng pag-uusap namin. May reputasyon akong pinangangalagaan kaya. Chos!
--------------------------------------------------
Ang pinaka-ayaw ko sa pagiging bading ay ang pagiging superficial natin. Kung iisipin ko, siguro angkin na rin ito sa ating pagkalalaki na mas biswal ang ating mga taste. Pero siguro, iniisip ko na dapat ang magiging kapartner ko ay may utak naman para malampasan ang ganitong klaseng prejudice.
Hindi ko masasabing pangit ako. At ayokong sabihing may hitsura ako. Please lang. Ang point ko lang dito ay, gusto ko yung tipong partner na nakakaintindi na, oo, di nga ako pangit, pero bonus na yun kasi ang gusto niya sa akin ay yung kabuuan kong katauhan. Kasi, pagdating ng ilang taon, tatanda din naman ako. Papangit ang katawan ko. Pero ang katauhan ko, hinding hindi magbabago. At gayunpaman, kahit may mga mas batang mas maganda ang katawan, at mas maayos ang hitsura sa akin, pipiliin niya pa rin ako kasi nga, hindi siya tumitingin sa pisikal.
Pero ang partner na hinahangad ko siguro ay isang ilusyon lamang. O sadyang karamihan talaga sa atin ay walang long-term mindset. Panay libog lang ang pinaiiral.
--------------------------------------------------
Nung isa sa mga huli kong pagchachat, may nanghingi ng pic ko. Ayoko bigyan. Sabi niya, "Gusto ko lang naman makita ang hitsura ng kausap ko eh."
Sabi ko sa kanya, "Isipin mo na lang na pangit ako. Kakausapin mo pa ba ako?"
At di na nga siya nagreply. Sabi ko, sa loob loob ko, "It's his loss."
Siguro, darating din naman ang point na ang mga makakausap ko na ay di na kasing superficial. Pero saka pa yun pag kulubot na sila at wala na silang ibang choice. Ayoko pang umabot nang ganun bago ako maghanap. Ngayon pa lang, ready na ko. Sa tingin ko, at least. Pero wala talagang dumarating eh. Kaya hanggang labas na lang muna ako ng sama ng loob ko rito. Para pagdating niya, wala na talaga akong issues. At sana, pag nangyari yun, tuloy-tuloy na ito.
Sa chat nga kasi, hindi mo naman nakikita yung kausap mo. Para sa akin, hindi ko tinatanung ang age unless tingin ko parang mukha siyang bata o kaya naman starstruck ako sa hitsura niya he looks so good at his age. Wala naman halos significance sa akin ang location. Kung malapit, at sakaling interesado pa ako, mas madaling makipag kita hindi ba?
ReplyDeleteMedyo risk taker din ako. Hindi naman ako laging humihingi ng pic. Hindi naman ako tumitingin sa mukha kung gusto ko lang naman ng makakausap? Pero kung ang hanap ng kachat ko eh sex, jan na ako magiging choosy. Importante sa akin ang stats kung ganun lang ang trip namin. Una, ayaw kong matinik. Pangalawa, ayaw ko din naman madaganan. Maalaga ako sa katawan, mas exciting din naman kung yung partner mo fit o athletic din para kayang makipagsabayan. Mahal yata ang gym at Olay, hindi naman pwedeng kung sinu sino lang din ang makikinabang sa akin noh.
Hindi na ako magpapaka impokrito para sabihing hindi ako tumitingin sa hitsura. Well, hindi naman kailangan sobrang gwapo. Hindi rin naman dahil gwapo, malaki ang chances na bobo siya (bitter much?) pero may mga ganun ngang tao. Huwag ka na magsalita,smile ka na lang, stay cute, don't say anything that might disappoint me. Sinu din naman ba ang may gustong matawag na pangit? Para sa akin siguro, mas gusto ko yung taong "pleasant". Magaan kasama, malinis, marunong magdala ng sarili.
Sabi ko nga kasi sa iyo. You're looking all at the wrong places. Kung harapan lang din naman, alam kong mas witty at may height ka naman ipagmamalaki Papa Jay? Ako kaya suplado ako in public? Pag nagtataray ako, pag di ko gusto nakikita ko, kailangan ko pa bang itanung ang ASL stats?
hehehe
Ang haba ng comment. Wagi! Hahaha!
ReplyDeletePero nakikita mo naman ang point ko di ba? Ang gusto ko sana eh yung taong kayang lampasan ang kanyang prejudices, kasi otherwise, pag tumanda kami, malaki ang chances na magloloko siya. At ayoko talaga na mangyari yun. Pero niloloko lang yata sarili ko. No such guy exists. :)
Nice entry. mahirap tlaga humanap ng ideal mate. We go to such venues and we are lookng for the impossible.di nman cguro lhat ng tao gusto lng sex sa chat kaya they ask for their pix...they just want to knw cnong kausap nya...i dont go for pix though...webcam again at least yun di kyang ifotoshop...at mlamang di nya mapepeke sarili nya.
ReplyDeleteI would agree on the ASL...people nowadays they want it instant! they dont go and beat around the bush ika nga...wala ng segue, go lng ng go...
pero for me, impt yung mga segue na yan...coz u get to knw the person more...pero ika nga nila, kung kantot, kantot period.wala nang etcheboreche!
I miss those days, na ang chat is 4 Chat.to knw people,to learn frm those people, ung may sense kausap ang tao... At hindi puro titi at kantot.
--theunwritten