Wednesday, February 16, 2011

Balat sa Pwet

Photo courtesy of Wikipedia Commons: http://en.wikipedia.org/wiki/File:Mongolianspotphoto.jpg

Sadya yata talaga akong may balat sa pwet pagdating sa pag-ibig.  Ewan ko ba.  Sobrang tagal na ng kamalasan sa buhay ko sa larangang ito, at hindi na talaga ako natutuwa.  

6 years na akong single.  Yes, di po yan typo.  Sa Roman numerals, VI.  Pwede mo na ring sabihing Virgin Indefinitely.  Pero hindi.  Anyway.  Sa loob ng 6 years na yan, nakipagdate naman ako.  Tingin ko naman, matitino naman silang tao.  Pero wala talaga eh.  Maraming close calls.  Pero sa huli't huli, solo pa rin ang inyong lingkod.

Napapaisip na nga ako kung ano ang problema sa kin eh.  Siguro nga, choosy ako.  Pero ang pagka-choosy ko naman kasi eh nasa personality.  Naghahanap ako ng swak na swak sa kin.  Oras na mahanap natin ang kiliti ng isa't isa sa usapan, mapapaisip na ako kung kikitain kita.  Kaya nga nakakadisappoint kasi, tingin ko, salang-sala na ang mga naiisipan kong i-meet.  Yun pala, hindi pa rin.

--------------------------------------------------

O di ba, may date dapat ako tonight.  Maayos ang usapan namin.  10PM, pagkatapos ng shift niya, susunduin ko raw siya sa hotel kung saan siya nagwowork.  Partida, Ortigas pa siya, eh taga-Makati ako.  Pero ayos lang.  Sobrang sarap talaga kausap eh.  Kahit daw 10 minutes late ako, solb lang.  Nung lunch, magkatext pa nga kami eh.

Tapos, sakto, papunta na ko nung may text:

"O, san ka na?  Mag-iinuman daw kami ng officemates ko."

Syempre, natigilan ako.  Di ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.  Tuloy pa ba kami o hindi?  Group date na ba ito bigla?  Bakit di niya na lang ako sinabihan bago ako umalis, eh nag-text naman akong papunta na ko?

So tinawagan ko para klaruhin.  Ang sabi, na-late daw siya kanina, at yung boss niya nag-aya so di siya makatanggi.  Di raw niya ako matext kasi sinusurrender daw mga phone nila pag nasa duty sila.  Sa loob loob ko, di ba niya pwedeng sabihing may date siya?  Tutal close naman sila ng boss niya.  Kabiruan naman niya to at kakuntsaba sa katarantaduhan.

Sabi ko na lang, "O sige, uwi na lang ako."  

"Eh, nandiyan ka na eh."

"Okay lang.  U-turn na lang ako dito sa Shaw."

"Nakakahiya naman sa yo."

Tangina.  Mahiya ka talaga no.

Dahil dito, napatawag tuloy ako kay Seth, at dun ko nilabas ang aking sama ng loob.  Takte, naubusan naman siya ng batt.  As usual.  Bakit ba kasi ang bott walang batt?  Haaay.  

Ang ganda naman ng first impression niya.  Naisip ko tuloy, pag naging seryoso kami, kaya rin kaya niya tanggihan ang boss niya?  Marahil hindi.  Kaya okay okay na rin ako na nakaiwas ako sa sakit ng ulo.  Sayang naman at may dala pa naman sana akong pasalubong sa kanya.  Sayang din ang pag-ayos ko sa sarili ko.  Sayang din ang good vibes na inemit ko buong araw.  Leche.

Tinext ko na lang siya ng "Salamat sa pag-uusap natin ng nakaraang gabi.  Enjoy."  Tapos, pinatay ko na ang phone ko.  Sabay, full volume ng radyo sa kotse ko habang humaharurot sa EDSA.  

--------------------------------------------------

Pagdating ko ng bahay, nagbihis ako.  Inopen ko ang PR account ko, binisita ang kanyang page, at sinet to Ignore.  Tapos, tinweak ko nang onti ang profile ko, bilang pagkilala sa leksiyon na natutunan ko ngayong gabi.

Kagabi, sabi niya, pinanganak daw siya ng nanay niya bilang entertainer.  Sayang naman di siya pinalaking may manners.

Naalala ko tuloy ang sabi ko nung isang gabi.  Baka nga possessed ako ng isang evil spirit na nagdadala ng malas sa lovelife.  Kung gayunman, paano kaya ako magpa-exorcize?


O siya, tama na ang ka-bitteran ko.  Wag naman sanang tuloy-tuloy ito.

2 comments:

  1. Sayang namatay phone ko.

    Sayang naman ang pagpapagwapo mo di ko nasulyapan? Gutom na din ako kaka coordinate ng lakwatsa ko next month, sa akin na lang sana yung peanut kiyeme

    Aba, ilang araw na din tayu nag uusap di mo naman ako niyaya ng meet up

    *hugs* papa jay

    ReplyDelete
  2. awts, this so heartbreaking for me... i can relate everytime may date din ako only to find out na di ganun kaseryoso makikilala... di bale papa jay, I know ul meet someone soon...kung ako yan, tinopak na ko malamang... hay... ang gamot ko!!!

    ReplyDelete