Wednesday, February 23, 2011

Sakit ng Huling Kanta (Last Song Syndrome)

Music Video of Marry Me by Train courtesy of Youtube

Ang hirap pala magsulat sa Tagalog kung di ka sanay.  Halimbawa na lang ngayon.  Di ko tuluyan maisip kong ano ang Tagalong ng "nostalgic."  Senti?  Hehehe.

Ang ganda nga kantang ito.  Siguro, panira lang ang second part ng chorus.  Pero sobrang ganda niya talaga.  Ito ang tipong kanta na naiinggit ako, at di ko nagawang isulat.  Pero di naman ako songwriter talaga.  Sawi lang ang aking mga unang attempt sa pagbuo ng kanta.

Iniisip ko, ang sarap nito kantahin sa taong gustong gusto mo talaga.  Oo, alam kong di naman yata tayo magpapakasal sa lalaki sa buhay na ito, pero ang sarap lang isipin na ang ganitong klaseng pakiramdam ay pwede palang pangarapin din.

Sa dalawang nagbabasa ng blog, enjoy.  Sana matuwa kayo.  Bonus ko na ang lyrics:

Forever can never be long enough for me
To feel like I've had long enough with you
Forget the world now we won't let them see
But there's one thing left to do

Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way
Marry Me
Today and everyday
Marry Me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Say you will

Together can never be close enough for me
To feel like I am close enough to you
(singit lang...ito pinakagusto kong bahagi - Papa Jay)
You wear white and I'll wear out the words "I love you"
And "You're beautiful"


Now that the wait is over
And love has finally shown her my way
Marry me
Today and everyday
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Say you will

Promise me
You'll always be
Happy by my side
I promise to
Sing to you
When all the music dies

And marry me
Today and everyday
Marry me
If I ever get the nerve to say hello in this cafe
Say you will
Say you will 


Monday, February 21, 2011

Hala Bira

Music Video of Robyn's Dancing On My Own courtesy of Youtube.

Paunawa: Ang post na ito ay kathang-isip lamang.  Sobrang dami na kasing nag-iisip na tunay ang mga pangyayaring ito.  Pasensiya na.  Dapat yata nilakihan ko ang label na fiction.  Di na po mauulit.


Di ko lubusang maisip kung bakit ako pumayag na pumunta dito ngayong gabi.  Oo, mahilig akong sumayaw.  Oo, mahilig ako sa house music.  Pero di talaga ako mahilig sa mga bar.  Lalo na kung ang mga parokyano nito ay panay becky.  Allergic ako sa usok (well, di naman talaga), mahina naman ako uminom, at higit sa lahat, discreet ako no.  Hinila lang kasi ako ng newfound friend (NFF) ko.  Mag-enjoy naman daw ako at wag magmukmok sa bahay.  


     "Sa trabaho, panay LCD monitor na nga kaharap mo, pati ba naman sa weekend?" wika niya.


May point naman siya.  Pero di ito ang trip ko.  Siguro, gawa na rin ng kawalan ng ibang magawa, pumayag naman ako.


At home si NFF sa bar.  Alam niya ang pasikot-sikot.  Ako naman ay nakatungo lamang.  Conscious na conscious.  First time ko ito.  Naisip ko, dapat pala nag-hoodie ako, para matakpan ng bahagya ang ulo ko.  Facepalm.


Punong puno pala ang loob ng bar.  Nagsisiksikan ang mga tao.  Malakas ang musika.  Nagsasayawan na ang sangkabadingan.  


     "Syet.  Andaming bakla," sabi ko sa sarili ko.
     "O, mamili ka na," wika ni NFF, sabay turo dun sa isang hunky hunky na may kasayaw na hunky rin.
     "No thanks, CR muna ako," sabi ko.


"Ay, teka lang, " sabi niya, at binulong niya sa akin ang mga things to remember sa bar.  Pambihira.  Parang 10 Commandments pala ito.  Bawal ang ganito, mag-ingat sa ganyan.  Kulang na lang, may pamphlet siyang iabot sa akin para kabisaduhin ko.  Nanghina ako.  Sana nagpaiwan na lang ako sa bahay.


Nakahanap ako ng upuan sa may bandang sulok.  Pakiramdam ko, nakatingin lahat sa akin kaya napatungo ulit ako.  Iniisip ko na lang, sana magsawa kaagad si NFF para makauwi na kami.  Naisip ko rin kung ano ang pwede kong excuse para makauwi nang maaga.  Bahala na si NFF.  Iwan ko na lang.  Dumako ang paningin ko sa pinto.  Syet, andami talagang tao.  Ozone Disco Part II?  Wag naman sana.


Tapos, dumating siya.  HIndi ko makakalimutan ang itsurang yun.  Mula sa mata, ilong hanggang sa pisngi, bibig, at baba, kilalang kilala ko na ang mukhang yun.  Minsan, inibig ko na rin ito; kinahiligang pagmasdan nang matagal.  Dati, ako man ay pinagmasdan ng mga matang yan.  Inamoy na rin ako ng ilong na yan.  At...sige, dun na lang muna.


Maganda pa rin ang katawan niya.  Maayos ang tindig.  Nakakalaglag-brip.  Suot niya ang t-shirt na nakita kong suot niya rin sa FB nung minsan sila nag-out of the country ng mga kabarkada niya.  Bagay sa kanya ang powder blue.  Unti-unti siyang pumagitna.  May mga binati siyang mga kakilala.  Kaway dito, beso doon.  Andaming becky ang napatingin sa kanya.  Malakas talaga ang appeal niya kahit noon pa.


Napabunot ako sa cellphone ko upang tawagan si NFF.  Gusto ko na umalis nun.  Gusto ko nang lamunin ako ng lupa.  Asa pa ko.  Leche.  Lowbatt na ko.  Hinanap ko si NFF sa bar.  Nakita ko siya sa dulo, may hinihimas na braso.  Ampota.  


Naghanap ako ng paraan para makapunta kay NFF nang di dumadaan sa gitna.  Talo pa ang Divisoria sa dami ng tao dito.  At yun na, kung anu-anong kurot at pisil ang naramdaman ko.  Pero tinuloy ko pa rin ang pagsiksik.  Di ko na kayang manatili.  Napatingin ako uli sa gitna.  Nandoon na siya, sumasayaw.  Kasama niya ang bago niyang jowa.  Gusto kong laitin sa utak ko ang jowa niya, pero di ko magawa.  


     Kinalabit ko si NFF.  "Sibat na ko," sabi ko.
     Tiningnan niya ko nang nakataas ang isang kilay.
     "Iwan na kita dito," sabi ko sa kanya.
     Kumindat lang ang gago, sabay talikod sa akin at humarap muli sa may-ari ng brasong hinihimas niya.


Lumabas na ko.  Di ko lubos na maintindihan kung ano ang naganap ngayon lang.  Pero ang alam ko, dapat talaga di na ko tumuloy.  Nang makita ko ang kalye, bigla akong nadisorient. San nga uli ako nagpark?


May tumawag sa pangalan ko.  Kilala ko ang boses na yun.  Humarap ako sa kanya.


     "Uy, pumupunta ka na pala dito?" tanong niya.
     "Hindi, ngayon lang. May nag-aya lang," sagot ko.
     "Ah, uy, si Don pala, bf ko," sabay turo to sa katabi niya.
     Nagkamay kami ni Don.
     "O siya, mauna na ko ha?  Marami pa ko aayusin sa bahay eh."
     "Hahaha.  Makalat ka pa rin siguro no?"
     Di na ko sumagot. Tumawa na lang ako.


Pumasok ang magjowa sa loob.  Pakshet, pinamukha niya talaga sa akin ang jowa niya.  Naglakad na ko papuntang kotse.  Padating sa parking, inabutan ko si manong ng 5 piso at sumakay.  Hawak hawak ko ang manibela nang nag-flashback sa akin ang nakaraang 4 na taon.  Kung gaano kasarap ang pakiramdam ko nung kami pa.  Kung gaano kasakit nang malaman kong may iba na pala siyang mahal.  Kung gaano ako muntik na mapariwara dahil sa katangahan ko nung nag-break kami.  Kung paano hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng koneksyon kagaya nung una kami nagkita.


Tumingin ako sa rearview mirror ko.  Malulungkot na mata ang sumalubong sa titig ko.  Naalala ko na lang ang sinabi ni Kurt sa Glee, "To all the singles out there, this is our year."


Biglang nakita kong unti-unting umaatras ang kotse sa harap ko.  Pucha.  Mababangga na niya ako!  Bumusina ako nang malakas.  Biglang tumigil naman siya.


Lumabas ang may-ari para silipin ang nangyari.  Sa sobrang asar ko, di ko namalayan na cute pala siya.  Nilapitan niya ako.


     "Hi, sorry about that.  Di naman kita nabangga di ba?"
     "Ah, okay lang yun."


Bumalik siya papunta sa kotse niya.  Huminto.  Tumalikod, at bumalik uli siya sa window ko.


     "Hmm.  At the risk of sounding forward, can I treat you to coffee for the inconvenience?"
     "Pauwi na ko sana eh. But thanks for the offer.  Rain check?"
     "Here's my number," sabay abot ng card at kindat, "Marcus, by the way."


Hmm.  Mukhang promising ito. 

Friday, February 18, 2011

Balat Sibuyas


Sa tuwing nagchachat ako dati, naaalala ko yung pinaka-ayaw kong mga tanong: ASL? Stats? Pic?

Sa tatlong yan, mas tanggap ko pa siguro ang ASL.  Mas malamang na makakasundo mo ang kalapit mo lang ng edad.  Ang S naman ay medyo redundant.  Kung babae yan, kahit "bi" kuno ang kausap mo, malamang di na kakausapin yan.  Yung location naman ay para sa mga taong naghahanap ng sense of convenience.  Kumbaga, pag mas malapit, mas okay kasi solb sa pamasahe.  O kung mas malayo, mas okay, para maiwasan ang mga kakilala.

Dumako naman tayo sa stats.  Di ko nga maisip sino nakaimbento nito eh.  Hango kaya ito sa vital statistics?  Kung ganun, di ko alam ang chest at hip measurements ko, so malamang di ko mabibigay.  Pero, generally, ang sagot dito ay height, weight, body build.  Minsan, may complexion pa.  Ako ay isa sa mga taong partikular sa height, pero hindi sa body build.  Pero minsan, pinapalampas ko rin naman ang may koneksyon sa akin.

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pic.  Siguro lumaki kasi ako sa panahon kung kelan di pa uso ang hingian ng pic sa chat.  Pero naniniwala din kasi ako na para masabing tunay akong discreet, di ko pinapamayagpag ang aking pic.  Lalo na sa kung kani-kanino lang.  At lalo na sa taong di naman magiging parte ng buhay ko pagkatapos ng pag-uusap namin.  May reputasyon akong pinangangalagaan kaya.  Chos! 

--------------------------------------------------

Ang pinaka-ayaw ko sa pagiging bading ay ang pagiging superficial natin.  Kung iisipin ko, siguro angkin na rin ito sa ating pagkalalaki na mas biswal ang ating mga taste.  Pero siguro, iniisip ko na dapat ang magiging kapartner ko ay may utak naman para malampasan ang ganitong klaseng prejudice.

Hindi ko masasabing pangit ako.  At ayokong sabihing may hitsura ako.  Please lang.  Ang point ko lang dito ay, gusto ko yung tipong partner na nakakaintindi na, oo, di nga ako pangit, pero bonus na yun kasi ang gusto niya sa akin ay yung kabuuan kong katauhan.  Kasi, pagdating ng ilang taon, tatanda din naman ako.  Papangit ang katawan ko.  Pero ang katauhan ko, hinding hindi magbabago.  At gayunpaman, kahit may mga mas batang mas maganda ang katawan, at mas maayos ang hitsura sa akin, pipiliin niya pa rin ako kasi nga, hindi siya tumitingin sa pisikal.

Pero ang partner na hinahangad ko siguro ay isang ilusyon lamang.  O sadyang karamihan talaga sa atin ay walang long-term mindset.  Panay libog lang ang pinaiiral.

--------------------------------------------------

Nung isa sa mga huli kong pagchachat, may nanghingi ng pic ko.  Ayoko bigyan.  Sabi niya, "Gusto ko lang naman makita ang hitsura ng kausap ko eh."

Sabi ko sa kanya, "Isipin mo na lang na pangit ako.  Kakausapin mo pa ba ako?"

At di na nga siya nagreply.  Sabi ko, sa loob loob ko, "It's his loss."

Siguro, darating din naman ang point na ang mga makakausap ko na ay di na kasing superficial.  Pero saka pa yun pag kulubot na sila at wala na silang ibang choice.  Ayoko pang umabot nang ganun bago ako maghanap.  Ngayon pa lang, ready na ko.  Sa tingin ko, at least.  Pero wala talagang dumarating eh.  Kaya hanggang labas na lang muna ako ng sama ng loob ko rito.  Para pagdating niya, wala na talaga akong issues.  At sana, pag nangyari yun, tuloy-tuloy na ito.

Wednesday, February 16, 2011

Balat sa Pwet

Photo courtesy of Wikipedia Commons: http://en.wikipedia.org/wiki/File:Mongolianspotphoto.jpg

Sadya yata talaga akong may balat sa pwet pagdating sa pag-ibig.  Ewan ko ba.  Sobrang tagal na ng kamalasan sa buhay ko sa larangang ito, at hindi na talaga ako natutuwa.  

6 years na akong single.  Yes, di po yan typo.  Sa Roman numerals, VI.  Pwede mo na ring sabihing Virgin Indefinitely.  Pero hindi.  Anyway.  Sa loob ng 6 years na yan, nakipagdate naman ako.  Tingin ko naman, matitino naman silang tao.  Pero wala talaga eh.  Maraming close calls.  Pero sa huli't huli, solo pa rin ang inyong lingkod.

Napapaisip na nga ako kung ano ang problema sa kin eh.  Siguro nga, choosy ako.  Pero ang pagka-choosy ko naman kasi eh nasa personality.  Naghahanap ako ng swak na swak sa kin.  Oras na mahanap natin ang kiliti ng isa't isa sa usapan, mapapaisip na ako kung kikitain kita.  Kaya nga nakakadisappoint kasi, tingin ko, salang-sala na ang mga naiisipan kong i-meet.  Yun pala, hindi pa rin.

--------------------------------------------------

O di ba, may date dapat ako tonight.  Maayos ang usapan namin.  10PM, pagkatapos ng shift niya, susunduin ko raw siya sa hotel kung saan siya nagwowork.  Partida, Ortigas pa siya, eh taga-Makati ako.  Pero ayos lang.  Sobrang sarap talaga kausap eh.  Kahit daw 10 minutes late ako, solb lang.  Nung lunch, magkatext pa nga kami eh.

Tapos, sakto, papunta na ko nung may text:

"O, san ka na?  Mag-iinuman daw kami ng officemates ko."

Syempre, natigilan ako.  Di ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.  Tuloy pa ba kami o hindi?  Group date na ba ito bigla?  Bakit di niya na lang ako sinabihan bago ako umalis, eh nag-text naman akong papunta na ko?

So tinawagan ko para klaruhin.  Ang sabi, na-late daw siya kanina, at yung boss niya nag-aya so di siya makatanggi.  Di raw niya ako matext kasi sinusurrender daw mga phone nila pag nasa duty sila.  Sa loob loob ko, di ba niya pwedeng sabihing may date siya?  Tutal close naman sila ng boss niya.  Kabiruan naman niya to at kakuntsaba sa katarantaduhan.

Sabi ko na lang, "O sige, uwi na lang ako."  

"Eh, nandiyan ka na eh."

"Okay lang.  U-turn na lang ako dito sa Shaw."

"Nakakahiya naman sa yo."

Tangina.  Mahiya ka talaga no.

Dahil dito, napatawag tuloy ako kay Seth, at dun ko nilabas ang aking sama ng loob.  Takte, naubusan naman siya ng batt.  As usual.  Bakit ba kasi ang bott walang batt?  Haaay.  

Ang ganda naman ng first impression niya.  Naisip ko tuloy, pag naging seryoso kami, kaya rin kaya niya tanggihan ang boss niya?  Marahil hindi.  Kaya okay okay na rin ako na nakaiwas ako sa sakit ng ulo.  Sayang naman at may dala pa naman sana akong pasalubong sa kanya.  Sayang din ang pag-ayos ko sa sarili ko.  Sayang din ang good vibes na inemit ko buong araw.  Leche.

Tinext ko na lang siya ng "Salamat sa pag-uusap natin ng nakaraang gabi.  Enjoy."  Tapos, pinatay ko na ang phone ko.  Sabay, full volume ng radyo sa kotse ko habang humaharurot sa EDSA.  

--------------------------------------------------

Pagdating ko ng bahay, nagbihis ako.  Inopen ko ang PR account ko, binisita ang kanyang page, at sinet to Ignore.  Tapos, tinweak ko nang onti ang profile ko, bilang pagkilala sa leksiyon na natutunan ko ngayong gabi.

Kagabi, sabi niya, pinanganak daw siya ng nanay niya bilang entertainer.  Sayang naman di siya pinalaking may manners.

Naalala ko tuloy ang sabi ko nung isang gabi.  Baka nga possessed ako ng isang evil spirit na nagdadala ng malas sa lovelife.  Kung gayunman, paano kaya ako magpa-exorcize?


O siya, tama na ang ka-bitteran ko.  Wag naman sanang tuloy-tuloy ito.

Kilometer Zero

Photo courtesy of ManilaTumblr.com: http://manila.tumblr.com/post/400727531/kilometer-zero

Grabe, napa-blog na naman ako.  Siguro, pang-ilang attempt ko na rin ito sa pagsusulat ng isang blog.  Sa lahat ng mga yun, ang Friendster blog ko pa rin ang pinakasumikat.  Pero antagal tagal ko nang di bumabalik dun.  Uso na kasi Facebook.


Ang pagkakaiba lang siguro ngayon, naisip ko na magsulat sa Tagalog.  At naisip ko rin na, ayokong gawing "uber-philosophical" (pasensiya, di ko alam kung paano isalin sa Tagalog yan) ang aking mga pinagsusulat.  Pero di ko rin siguro maiiwasan yan.  Sadya talaga akong mahilig mag-isip.  Marahil, nainggit lang ako sa mga pakikipagsapalaran ng aking online friend na si Seth, at naisip ko kung gaano ko na namimiss ang pagsusulat.


Ang tema ng aking blog?  Siguro, isa itong paglalakbay.  Sana tuloy-tuloy na ito.  Sana wala nang paligoy-ligoy pa.


--------------------------------------------------


Nag-uninstall ako ng mIRC kanina.  Di ito ang unang beses na ginawa ko ito.  Noon, at ngayon, naisip ko na takaw oras lang naman ang pagchachat.  Sa halip na nakakagawa ako ng makabuluhang bagay, inuubos ko na lang tuloy oras ko sa chat.  


Pero nitong mga nakaraang mga buwan, nagbago ang ihip ng hangin.  Palagi na lang ako online.  Halos araw araw.  Siguro kasi, may mga nakakausap na ko dun nang madalas.  Mga makukulit na becky.  Ang sarap kaharutan.  Wala kasi akong mga becky friends kaya naghanap ng kakaunting koneksyon ang kaluluwa ko.  


At yun na, gabi-gabi ganun na nga ang drama.  Nakikisawsaw na ako sa buhay ng may buhay.  Siguro nga, dahil wala naman akong buhay kaya naghahanap ako ng buhay.  Nagsilbi akong "sounding board," "matchmaker" o di kaya'y "love doctor."  Pero sa dami ng mga na-meet ko  na okay, marami din namang sadyang makulit.  At dahil nga gusto ko ng continuity sa aking mga kausap, napipilitan tuloy ako magpalit ng nick.


Sa nakaraang mga buwan, naka-3 na akong palit ng nick.  At tuwing nagpapalit ako ng nick, nagpaparamdam ako sa mga gusto ko kausap at nagpapakilala.  Pero di ako nag-a-uninstall ng mIRC.  Hanggang ngayon.


Bakit ako nag-uninstall ngayon?  Kasi na-realize ko na wala rin namang patutunguhan ang pag-o-online ko.  Alam kong di ko trip pumunta sa mga GEB GEB na yan.  Alam kong wala naman akong gusto i-meet sa mga yan.  Ang mas mahirap pa ngayon, marami masyadong drama na kasi mas matagal ko na sila kausap.  Meron din naman kasi akong dalang drama, ayoko na magdala nang mas mabigat pa.


Kaya goodbye mIRC.  Parang ang sarap sabihin ng mga katagang ito.  Sabi nga ng kausap ko, "if you want to meet nice people, go to nice places."  ;) Sana nga, tuloy-tuloy na ito.


--------------------------------------------------


May date pala ako mamayang gabi.  Hahaha.  Adik lang no?  Actually, di ko talaga binalak na magka-date.  Pero sa sobrang aliw niya kausap, naisip ko na ayain siya.  Ang masaya, pumayag naman siya!  Yey!  So sana nga, tuloy-tuloy na rin ito. :)