I'm writing in English today. I'm breaking one of the big rules I set at the start of this blog.
It's just that I felt that something momentous had to be shared in the medium which comes naturally to me.
And so, with nary a bang nor a whimper, let the quitting games begin.
You win.
Wanderlust dapat ang title ng blog ko. Pero malamang taken na yun, so gagawin ko sanang Juanderlust para may Pinoy twist. Akalain mong taken na yun? Kaya Juanderlast na lang. Barok kung barok. ||||| Juanderlast - n. mga Paglalakbay, sa buhay, sa karir, at sa kung saan pa, ng isang taong naghahanap lamang ng dahilan para manatili sa isang lugar.
Monday, April 25, 2011
Saturday, April 16, 2011
Panliliit
Photo courtesy of search.creativecommons.org
Sabi nga nila, maliit daw ang mundo natin. Ang di ko akalain, napakaliit pa pala lalo ng mundo ng mga PLU.
Nitong nakaraang Sabado, hinatak ko ang isa kong bagong kilala para bumiyahe. Siya ay taken na. Wag kayo mag-alala, mga tagasubaybay ng blog ko, dahil ako'y takot sa karma. Hahaha! Siguro mga isang buwan na rin kami magkakilala nito. At nakakatuwa lang dahil laging masarap ang kwentuhan pag kami nagkakasama.
Habang paakyat ng Tagtaytay, napunta ang usapan sa mga tao sa aming nakaraan. At doon ko nalaman, na pareho pala naming kilala ang isang couple na ngayon. Ang masaya pa, ang mga sanga-sangang kilala ng couple na ito, ay kilala rin namin pareho.
Sa sobrang gulo ng mga kaganapan, sinikap ko na gumawa ng diagram para ipaliwanag ang aming pagkaka-buholbuhol.
Papa Jay -- nag-uusap dati ni -- Person A -- naging date ni -- Bagong Kaibigan
|
jowa na ngayon ni
|
Papa Jay -- naging date ni -- Person B -- naging date ni -- Bagong Kaibigan
|
naging date ni
|
Papa Jay -- naging date ni -- Person C -- nag-uusap dati ni -- Bagong Kaibigan
May ipapa-date pa sana siya sa akin. Habang dinedescribe niya ang taong yun sa akin, nanlamig ako lalo kasi may naiisip ako na taong saktong sakto sa mga sinasabi niya. Nung binigay ko na ang detalye tungkol sa taong alam ko, natawa na lang siya dahil tama nga ako. Di lang yun, matalik pa pala silang magkaibigan.
Ngunit, hindi ito ang unang beses na naganap ito sa akin ngayong taon. Naalala ko lang, nung pumunta akong Laguna, may common acquaintance din kami nung kasama ko. Sa katanuyan, nagpaparamdam nga daw yun sa kanya, pero para sa kanya, magkaibigan lang talaga sila.
At siyempre, ang nagbabagang pagkakaalaman namin ni Seth na ang best friend niya ay na-date ko na rin dati.
Nung naka-recover na ako, natakot ako sandali, kasi pumasok sa isip ko na paulit-ulit na lang yata ang mga tao sa mga ginagalawan ko. Pero, naisip ko rin na, kung ang bago kong kaibigan ay ngayon ko pa lang din naman nakilala, may pag-asa at pagkakataon pa rin akong makakilala ng ibang tao.
At, sana, sana lang ha, wala siyang kinalaman sa mga nakaraan ko.
Itinerary:
About Me,
Frustration,
Lovelife,
mIRC,
The Gay Life
Sunday, April 10, 2011
Mga Lumang Simbahan
Minsan, nakakainip nang maghintay. Kaya nang nakakuha ako ng inspirasyong mula sa isang kaibigan, humayo ako't bumiyahe.
Oo nga't di naman lubusang kagandahan ang aking mga kuha, natuwa naman ako at nakalabas ako ng bahay pansamantala.
Huling hantungan
Tayo na't magsimba nang naka-tsinelas
Ang puno sa labas
Nang si Magdalena ay naging artista
Kampana ng simbahan ay nanggigising na.
Subscribe to:
Posts (Atom)
