Music Video of Robyn's Dancing On My Own courtesy of Youtube.
Paunawa: Ang post na ito ay kathang-isip lamang. Sobrang dami na kasing nag-iisip na tunay ang mga pangyayaring ito. Pasensiya na. Dapat yata nilakihan ko ang label na fiction. Di na po mauulit.
Di ko lubusang maisip kung bakit ako pumayag na pumunta dito ngayong gabi. Oo, mahilig akong sumayaw. Oo, mahilig ako sa house music. Pero di talaga ako mahilig sa mga bar. Lalo na kung ang mga parokyano nito ay panay becky. Allergic ako sa usok (well, di naman talaga), mahina naman ako uminom, at higit sa lahat, discreet ako no. Hinila lang kasi ako ng newfound friend (NFF) ko. Mag-enjoy naman daw ako at wag magmukmok sa bahay.
"Sa trabaho, panay LCD monitor na nga kaharap mo, pati ba naman sa weekend?" wika niya.
May point naman siya. Pero di ito ang trip ko. Siguro, gawa na rin ng kawalan ng ibang magawa, pumayag naman ako.
At home si NFF sa bar. Alam niya ang pasikot-sikot. Ako naman ay nakatungo lamang. Conscious na conscious. First time ko ito. Naisip ko, dapat pala nag-hoodie ako, para matakpan ng bahagya ang ulo ko. Facepalm.
Punong puno pala ang loob ng bar. Nagsisiksikan ang mga tao. Malakas ang musika. Nagsasayawan na ang sangkabadingan.
"Syet. Andaming bakla," sabi ko sa sarili ko.
"O, mamili ka na," wika ni NFF, sabay turo dun sa isang hunky hunky na may kasayaw na hunky rin.
"No thanks, CR muna ako," sabi ko.
"Ay, teka lang, " sabi niya, at binulong niya sa akin ang mga things to remember sa bar. Pambihira. Parang 10 Commandments pala ito. Bawal ang ganito, mag-ingat sa ganyan. Kulang na lang, may pamphlet siyang iabot sa akin para kabisaduhin ko. Nanghina ako. Sana nagpaiwan na lang ako sa bahay.
Nakahanap ako ng upuan sa may bandang sulok. Pakiramdam ko, nakatingin lahat sa akin kaya napatungo ulit ako. Iniisip ko na lang, sana magsawa kaagad si NFF para makauwi na kami. Naisip ko rin kung ano ang pwede kong excuse para makauwi nang maaga. Bahala na si NFF. Iwan ko na lang. Dumako ang paningin ko sa pinto. Syet, andami talagang tao. Ozone Disco Part II? Wag naman sana.
Tapos, dumating siya. HIndi ko makakalimutan ang itsurang yun. Mula sa mata, ilong hanggang sa pisngi, bibig, at baba, kilalang kilala ko na ang mukhang yun. Minsan, inibig ko na rin ito; kinahiligang pagmasdan nang matagal. Dati, ako man ay pinagmasdan ng mga matang yan. Inamoy na rin ako ng ilong na yan. At...sige, dun na lang muna.
Maganda pa rin ang katawan niya. Maayos ang tindig. Nakakalaglag-brip. Suot niya ang t-shirt na nakita kong suot niya rin sa FB nung minsan sila nag-out of the country ng mga kabarkada niya. Bagay sa kanya ang powder blue. Unti-unti siyang pumagitna. May mga binati siyang mga kakilala. Kaway dito, beso doon. Andaming becky ang napatingin sa kanya. Malakas talaga ang appeal niya kahit noon pa.
Napabunot ako sa cellphone ko upang tawagan si NFF. Gusto ko na umalis nun. Gusto ko nang lamunin ako ng lupa. Asa pa ko. Leche. Lowbatt na ko. Hinanap ko si NFF sa bar. Nakita ko siya sa dulo, may hinihimas na braso. Ampota.
Naghanap ako ng paraan para makapunta kay NFF nang di dumadaan sa gitna. Talo pa ang Divisoria sa dami ng tao dito. At yun na, kung anu-anong kurot at pisil ang naramdaman ko. Pero tinuloy ko pa rin ang pagsiksik. Di ko na kayang manatili. Napatingin ako uli sa gitna. Nandoon na siya, sumasayaw. Kasama niya ang bago niyang jowa. Gusto kong laitin sa utak ko ang jowa niya, pero di ko magawa.
Kinalabit ko si NFF. "Sibat na ko," sabi ko.
Tiningnan niya ko nang nakataas ang isang kilay.
"Iwan na kita dito," sabi ko sa kanya.
Kumindat lang ang gago, sabay talikod sa akin at humarap muli sa may-ari ng brasong hinihimas niya.
Lumabas na ko. Di ko lubos na maintindihan kung ano ang naganap ngayon lang. Pero ang alam ko, dapat talaga di na ko tumuloy. Nang makita ko ang kalye, bigla akong nadisorient. San nga uli ako nagpark?
May tumawag sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na yun. Humarap ako sa kanya.
"Uy, pumupunta ka na pala dito?" tanong niya.
"Hindi, ngayon lang. May nag-aya lang," sagot ko.
"Ah, uy, si Don pala, bf ko," sabay turo to sa katabi niya.
Nagkamay kami ni Don.
"O siya, mauna na ko ha? Marami pa ko aayusin sa bahay eh."
"Hahaha. Makalat ka pa rin siguro no?"
Di na ko sumagot. Tumawa na lang ako.
Pumasok ang magjowa sa loob. Pakshet, pinamukha niya talaga sa akin ang jowa niya. Naglakad na ko papuntang kotse. Padating sa parking, inabutan ko si manong ng 5 piso at sumakay. Hawak hawak ko ang manibela nang nag-flashback sa akin ang nakaraang 4 na taon. Kung gaano kasarap ang pakiramdam ko nung kami pa. Kung gaano kasakit nang malaman kong may iba na pala siyang mahal. Kung gaano ako muntik na mapariwara dahil sa katangahan ko nung nag-break kami. Kung paano hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng koneksyon kagaya nung una kami nagkita.
Tumingin ako sa rearview mirror ko. Malulungkot na mata ang sumalubong sa titig ko. Naalala ko na lang ang sinabi ni Kurt sa Glee, "To all the singles out there, this is our year."
Biglang nakita kong unti-unting umaatras ang kotse sa harap ko. Pucha. Mababangga na niya ako! Bumusina ako nang malakas. Biglang tumigil naman siya.
Lumabas ang may-ari para silipin ang nangyari. Sa sobrang asar ko, di ko namalayan na cute pala siya. Nilapitan niya ako.
"Hi, sorry about that. Di naman kita nabangga di ba?"
"Ah, okay lang yun."
Bumalik siya papunta sa kotse niya. Huminto. Tumalikod, at bumalik uli siya sa window ko.
"Hmm. At the risk of sounding forward, can I treat you to coffee for the inconvenience?"
"Pauwi na ko sana eh. But thanks for the offer. Rain check?"
"Here's my number," sabay abot ng card at kindat, "Marcus, by the way."
Hmm. Mukhang promising ito.
Ooohhh ^^
ReplyDeleteIkaw na ang bumabar at nakaka kilala ng cute sa parking lot !!!
Happy for you Papa Jay !!!
Dapat ata nilakihan ko ang sulat na Fiction. Hehehe. Wala po. Di mo ako makikita dun.
ReplyDelete